Expanded Assistance to DH and Caregivers
Ang page na ito ay exclusive para sa mga Domestic Helper (DH) at mga Caregiver na hindi ma-qualify sa ibang ETEEAP program. Ginawa ang sistemang ito dahil naobserbahan na marami ang nahihirapan na gumawa ng kanilang mga document tulad ng CV, application letter, mag fill out ng ETEEAP application form at iba pang mga kailangan nilang ihanda sa pag-apply sa ETEEAP. Ang dahilan ay wala silang access sa mga computer at dahil din sa nature ng kanilang trabaho ay talagang nahihirapan sila bukod sa celfon lang ang gamit nila.
Ang isa pang dahilan ay wala silang alam na pagkuhanan ng mga kinakailangang training certificate na susuporta sa kanilang specific na trabaho maliban doon sa mga standard na certificate na kinuha nila nang nag-apply sila bilang OFW.
Dahil dito ay nais namin kayong tulungan sa paghahanda ng inyong mga credential. May bayad ang services na ito pero sulit ang gastos ninyo.
Ito yung college degree program na aligned sa inyo.
Food Service Management under their Bachelor of Industrial Technology (BIT-FSM). It is also called Bachelor of Industrial Technology majoring in Food Service Management (BIT-FSM).
Pero kailangan pa rin limang taon a mahigit pa na bahagi ng trabaho ninyo ang food preparation at diet management. Kasama din dapat ay kitchen management and budgeting. Kung ito ay hindi bahagi ng work experience ninyo ay hindi pa rin kayo ma-qualify.
Ang progam na ito ay management degree na kapareho ng BSBA, pero naka-focus lang sa management ng mga food business, food factories at mga kaparehong establishment kasama na diyan ang mga fast food chain at restaurant sa loob ng mga hotel. Ito ay WES-accredited na program kaya magagamit ninyo ito sa Canada at US. Hindi lalagpas sa 40,000.00 pesos ang magagastos ninyo hanggang matapos.
Total Cost Breakdown
Ang table sa ibaba ay walang hidden charges. Nandiyan lahat ang detalye ng mga kailangan ninyong ihanda mula sa pag-apply hanggang graduation. Makikita din ninyo kung kailan ninyo dapat bayaran ang bawat section sa fee structure.
| DESCRIPTION | Cost | PAYEE | When to Pay |
|---|---|---|---|
| Document preparation and consultation assistance for DH and in-house caregivers (negotiable-may tatlong option ito sa ibaba) | 7,500.00 | Consultant (To us) | Before start of application |
| Equivalency and accreditation fee | 12,000.00 | School | Approved for enrollment |
| Tuition fee for maximum required units | 6,000.00 | School | When enrolled and received modules |
| Module fee for maximum required units | 2,400.00 | School | Anytime after enrollment |
| Worksite visit | 4,000.00 | School | Anytime after enrollment |
| Module answers printing and shipping fee (Between 300 and 500 pages and 8 to 11 folders) | 4,500.00 | Consultant (To us) | When modules are ready for submission |
| Other fees (Graduation, OTR and diploma, etc.) | 4,000.00 | School | Before applying for graduation |
| Maximum Expense until graduation | 40,400.00 |
Important to note: Bihirang umaabot sa 40,000.00 ang kabuuang binabayaran ng estudyante. Naka-maximum ang computation sa itaas. Kadalasan ay mas mababa ng PHP2,000.00 hanggang PHP3,000.00 ang inaabot ng total na expense.
Ano ang procedure sa pag-apply?
- Kailangan ninyong i-submit ang kompletong requirement ninyo na naka-print at nasa isang folder.
- Dapat organized ang mga credential ninyo sa sequence ng category ng mga document.
- Hindi ini-evaluate ang mga pinapadala lang sa email lalo na kung hindi kompleto ito, at kahit pa kompleto ay hindi nila titingnan yun. Kailangang naka-print.
- Pwede ninyong gawin ang lahat ng procedure na ito, o pwede din kayaong mag-avail sa mga services namin na nasa ibaba.
Kasama na sa 40,000.00 ay ang services namin para sa assistance sa inyong preparation para sa enrollment na 7,500.00 pesos. Ano ang magagawa namin para sa inyo sa service fee na ito?
Ang mga sumusunod ang kasama sa services namin na babayaran ninyo:
- Paghahanap kung saan makakuha ng mga kinakailangang training certificate na akma sa inyong skills. Iga-guide namin kayo.
- Magbibigay kami ng guidance kung ano pa ang mga document na kailangan ninyo, kung saan ninyo ito makukuha, o kung paano kayo makakakuha. Pero hindi namin kayo iga-guide sa mga illegal na procedure at mga hindi totoo.
- Bibigyan namin kayo ng mga sample na document, at kung kailangan ay gagawin namin ang mga ito para i-print ninyo at ipa-prima na lang sa mga amo ninyo saka ninyo ibalik sa amin.
- Kami ang magta-type ng mga sagot ninyo sa application form at sa iba pang mga document na hindi ninyo magawa dahil celfon lang ang gamit ninyo. Pero hindi kami ang sasagot sa mga tanong. Dapat ay sagot pa rin ninyo na kailangan ninyong i-record sa video. Bibigyan namin kayo ng karagdagang instruction tungkol dito kapag nakapagbayad na kayo.
- Kami ang mag-organize ng mga credential ninyo.
- Kami ang mag-print at mag-organize ng mga ito para ma-bind ang portfolio ninyo.
- Ipapadala namin ito sa school para sa evaluation.
- Tutulong kami sa pag-follow up at kung may kulang pa ay itutuloy namin ang assistance sa inyo kung paano ninyo ito makukuha.
Kung kaya niyo namang gawin ang ilan sa mga nabanggit at gusto lang ninyong mag-avail ng limited services ay pwede naman. May tatlong options kayo:
| Options | Cost |
|---|---|
| Option 1: Preparation, Consultancy, Printing and Shipping – Ito ang mga kasama sa babayaran ninyo: 1) Kami ang magta-type ng mga sagot ninyo sa application form at sa iba pang mga document na hindi ninyo magawa dahil celfon lang ang gamit ninyo. Pero hindi kami ang sasagot sa mga tanong. Dapat ay sagot pa rin ninyo na kailangan ninyong i-record sa audio o video. Kaya may one-on-one Zoom meeting tayo para dito. 2) Kami ang mag-organize ng mga credential ninyo. 3) Kami ang mag-print at mag-organize ng mga ito para ma-bind ang portfolio ninyo. 4) Kami ang magpadala ng portfolio ninyo sa school para sa evaluation. 5) Tutulong kami sa pag-follow up at kung may kulang pa ay itutuloy namin ang assistance sa inyo kung paano ninyo ito makukuha. 6) May Zoom orientation tayo pagkatapos ninyong magbayad. | 7,500.00 |
| Option 2: Consultancy, Printing and Shipping – Ito ang mga kasama sa babayaran ninyo: 1) Magbigigay kami ng advice kung saan at paano ninyo makompleto ang inyong mga requirement. Hindi kami ang mag-type ng mga sagot ninyo sa application form. 2) Kami ang mag-organize ng mga credential ninyo. 3) Kami ang mag-print at mag-organize ng mga ito para ma-bind ang portfolio ninyo. 4) Kami ang magpadala ng portfolio ninyo sa school para sa evaluation. 5) Tutulong kami sa pag-follow up at kung may kulang pa ay itutuloy namin ang assistance sa inyo kung paano ninyo ito makukuha. 6) May Zoom orientation tayo pagkatapos ninyong magbayad. | 6,000.00 |
| Option 3: Printing and Shipping only – Ito ang mga kasama sa babayaran ninyo: 1) Printing at shipping lang ito. – Walang consultancy at walang assistance sa pag-follow up ng evaluation result. – Wala din consultancy kapag hindi pumasa sa unang evaluation. 2) Kami ang mag-print at mag-organize ng mga document na ibibigay ninyo para ma-bind ang portfolio ninyo. 3) Kami ang magpadala ng portfolio ninyo sa school para sa evaluation. 4) Walang Zoom orientation ito dahil alam na ninyo ang process ng preparation kaya sa printing at shipping lang kayo nag-avail. | 3,000.00 |
Pero bago kayo magpatuloy ay pakibasa lang ninyo itong Accountability Release, Disclaimer at iba pang policy:
Una: Hindi ito procedure ng PSU o ng anumang school na kung saan nagkaroon kami ng ganitong kaayusan. Requirement ng PSU na naka-print ang mga document ninyo at naka-organize sa isang folder bago ito i-submit. Hindi nila trabaho ang mag-print. Kaya namin ito inaalok na serbisiyo, at pinayagan naman ito ng PSU. Hindi din namin sila partner. Kaya kung anuman ang magiging problema sa set-up na ito ay walang pananagutan ang PSU habang nasa amin at pinoproseso namin ang mga requirement ninyo. Ang responsibilidad lang nila ay kung makarating na ang portfolio ninyo sa kanila.
Pangalawa: Hindi garantiya ito ng automatikong enrollment ninyo sa PSU. Ito ay isa lang na bahagi ng proseso ng pag-apply ninyo. Kung anuman ang resulta ng evaluation nila ay hindi na namin pananagutan yun dahil kung ano ang sinubmit ninyo ay yun din ang ipapasa namin sa kanila.
Policy tungkol sa refund:
– Kapag nagbayad na kayo at napagtanto ninyo na hindi pala aligned sa mga programa ng PSU ang inyong mga credential, at gusto ninyong magpa-refund ay may 48 hours lang para gawin ninyo ito. Ngunit ang ire-refund lang namin ay 25% ng binayaran ninyo.
Ang dahilan: Kailangan ninyong serisohin ang pag-apply dito at hindi lang kayo gumagawa ng school shopping. Dapat ay serioso, desidido determinado kayo sa pagpasok sa programang ito, at pag-aralan ninyong mabuti bago kayo mag-umpisa. Kami ay serioso sa pagtulong at dapat ay ganoon din kayo sa inyong pag-apply.– Kung ang inyong credential naman ay aligned sa mga programa ng PSU ngunit gusto ninyong magpa-refund sa kung anumang dahilan ay hindi kami magre-refund. Ilalagay namin ang inyong application sa Dormant Applicants’ folder. Pwede ninyong ituloy ang inyong application na walang babayaran sa loob ng isang taon. Kapag lumagpas na ang isang taon ay ma-forfeit ang ibinayad ninyo. At kung gusto ninyong mag-apply ulit ay kailangan ninyong magbayad ng panibago.
Ang dahilan: Kailangan ninyong serisohin ang pag-apply dito at hindi lang kayo gumagawa ng school shopping. Dapat ay serioso, desidido determinado kayo sa pagpasok sa programang ito, at pinag-aralan ninyong mabuti bago kayo mag-umpisa. Kami ay serioso sa pagtulong at dapat ay ganoon din kayo sa inyong pag-apply.
Kung intresado kayo sa setup na ito at para mabigyan pa namin kayo ng karagdagang instruction ay pwede kayong mag-email dito: psu@eteeap.org
Pwede din kayong mag-send ng message doon sa WhatsApp link sa ibaba.
Kung gusto naman ninyong mag-umpisa na ay buksan ninyo ang Google Form na nasa link na ito sa ibaba at mag-fill-out kayo gamit ang inyong email address. Mas maige na GMAIL ang gamitin ninyo at dyan din naman naka-login ang inyong Smart phone (Kung walang Google Form sa celfon ninyo ay mag-install muna kayo para mabuksan ninyo ito). Kailangan ninyong basahing mabuti ang mga tanong bago ninyo sagutin. May mga instruction din sa form na kailangan ninyong intindihin kasama ang procedure ng pagbayad. Bago ninyo i-submit yung form ay reviewhin ninyo kung nasunod ninyong lahat ang mga nandoon na procedure at instruction.
Kung nag-avail kayo ng Option 1 o Option 2 sa mga services namin ay magbibigay kami ng orientation sa Zoom pagkatapos ninyong magbayad at ma-email ang inyong proof of payment. Pero kung Option 3 ang ia-avail ninyo ay walang Zoom orientation.
Link to the PSU ETEEAP DH Agreement Form
Ito ang listahan ng mga requirement na kailangan ninyong ihanda at dito namin kayo ia-assist. Nakalagay na rin ang maximum score ng bawat category ng mga requirement.
| Credentials | Maximum Score |
|---|---|
| Required Forms: – Application letter (Letter of Intent) (Sample here – https://eteeap.org/appltr) – CV or resume (Sample here – https://eteeap.org/cv) – ETEEAP Application Form (Download here – https://eteeap.org/appform) – Birth certificate (Proof of your citizenship) – ID (Passport, Driver’s license, etc.) – For female applicants (Surname discrepancy proof – Marriage certificate, etc.) | 0.00 |
| Education Background: – High school documents (Diploma at form 137/138) – College degree certificate and OTR/TOR and confirmation letter – Other degree certificates and OTR/TOR and certificate/diploma – Vocational courses completed (TESDA, Technical Schools, etc.) | 20.00 |
| Work Experiences: – COE of all relevant employees (Sample here – https://eteeap.org/coe) – Recommendation/verification letter from employer (Link to Sample Recommendation Letter) – OFW documents/contracts/visa/employment certificates. – DFR of all relevant employees if details were not provided on the COE (Sample here – https://eteeap.org/dfr) Note: 1 year in addition to the minimum 5 years work (which earns 15 points + 1 point per additional year) experience in the field you want to apply for ETEEAP earns one point. Maximum of 15 points for the excess years. | 30.00 |
| Inventions, Innovations, Publications: (Local, national, international) – Inventions (scope of acceptance, patronage and recognition) – Innovations (scope of acceptance, patronage and recognition) – Publications (scope of acceptance, patronage and recognition) | 5.00 |
| Informal Training Attended: – Informal training certificates (LinkedIn, Google, Microsoft, Udemy, TES, etc.) – Training/Seminar certificates provided or sponsored by your employer. | 5.00 |
| Training You Managed and Organized: (Local, national, international) – Training/Seminars that you organized, participated and/or conducted. – Resource speaker/lecturer | 10.00 |
| Awards, Commendations and Citations: (Local, national, international) – Awards at work (Best employee, leader or the month, etc.) – Citations or commendations by government agencies, NGOs, church, etc. – This should be after completing secondary education, or age 18 and older. | 10.00 |
| Community Services Rendered or Participated in: (Local, national, international) – Rescue, front liner, emergency assistance, calamity response, first response, etc. – Community outreach, relief assistance and other similar activities – Government-initiated, Voluntary, NGO, or Church organized | 10.00 |
| Club and Other Professional Organization Membership: (Local, national, international) – Lion’s Club, Rotary Club, Eagles, Toastmasters, Red Cross, OWWA, etc. – Profession-related professional group – TODA, JODA, Uber Drivers’ Association – Shooters’ Association – Athletes Association | 10.00 |
| Licenses and Eligibilities: (Local, national, international) – Driver’s license – PRC – Civil Service Eligibility – Gun license | 5.00 |
| Total Score (Minimum should be 60.00) | ____ /100.00 |
Our Track Record
We would like to take this opportunity to thank all those who trusted in us and our services. After this was launched on May 2, 2024, here is our track record:
- Marami-rami na rin pumasa at nakapag-enroll at may mga malapit nang grumaduate. May mga nagpapa-print na rin ng mga module nila na mga OFW para mas madaling maipadala at mas organized ito.
- May mga bumagsak din pero natulungan at pumasa sa re-evaluation. May mga tuluyan nang sumuko at may ilan na sa ibang school nagpatuloy. May mga ilan na kasalulukuyang kinokompleto ang additional requirements para magpa-reevaluate. Patuloy ang assistance namin sa mga ito.
- Degree na napasukan/na-applayan ng mga nag-avail:
- Bachelor of Education
- Majoring in the following:
– Elementary Education
– General Enhanced Education (For younger learners)
- Majoring in the following:
- Bachelor of Secondary Education
- Majoring in the following:
– Mathematics
– English
– Social Studies
– Pilipino
– Science
– TLE
- Majoring in the following:
- Bachelor of Industrial Technology
- Majoring in the following:
– Food Service Management
– Mechanical Technology, with Management units
– Electrical Technology, with Management units
– Electronics Technology, with Management units
– Automotive Technology, with Management units
– Garments and Fashion Design, with Management units
– Civil Technology (Lingayen Campus)
– Drafting Technology (Lingayen Campus)
- Majoring in the following:
- Bachelor of Science in Agriculture
– Sta. Maria Campus
- Bachelor of Education
- Countries where applicants were based
– Philippines
– Thailand
– Hong Kong
– China
– Canada (WES Accredited as 4-year bachelors degrees)
– Middle Eastern Countries
– Cambodia
– Laos
– Vietnam
– Singapore
– Indonesia
– Japan
– South Korea
– Palau
– New Zealand
– USA
– Europe - May mga nag-avail na rin sa Module Printing and Shipping na extension ng services na ito.
– Nasa ibaba ang link para sa students’ module services.
For enrolled students who need, or wish to avail of the, printing and shipping of their modules to PSU, please click or tap on the link button to go to the students module assistance page.