Sino ang pwedeng mag-apply at mag-enroll sa ETEEAP?
Narito ang ilang halimbawa ng mga trabaho ng mga Pilipino na pwedeng gamitin sa pag-apply sa ETEEAP. Pero bago yan ay ito muna ang mga pinakapangunahing requirement.
- Ang edad ng mga pwedeng mag-apply dito ay 23 o pataas. Ang age requirement na ito ay nag-umpisa noong inilunsad ang K-12 system sa Pilipinas bilang pagsunod sa International Education Standard.
- Nakapagtapos ng high school sa old curriculum, ALS, o K-12. Kailangan ninyong tingnan ang inyong TOR sa remarks sa ibaba kung ang nakalagay ay “Eligible for Tertiary Education“ o “Eligible for College“. Kung ang makikita doon ay “Eligible for SHS“ o “Eligible for Senior High School“ ay hindi pa pwede. Kailangan munang mag-senior high school.
- Minimum aggregate of five years work experience locally and/or abroad. Ang ibig sabihin ng aggregate ay kahit hindi tuloy-tuloy o magkakaibang kompanya basta parehong field of specialization.
- Filipino citizen. (Kung nagpalit ng citizenship ay disqualified. Kung dual ay baka pwede.).
- Importanteng isaalang-alang at non-negotiable: Hindi pwedeng mag-enroll sa degree na hindi konektado sa trabahong ina-apply sa ETEEAP. Hindi rin pwedeng ang gusto ninyong degree ang inyong applyan kundi yung konektado sa inyong work experience. Kung may natapos na ibang degree, o nakapag-enroll noon na hindi natapos, ngunit hindi konektado o related sa trabaho ay hindi pa rin pwedeng ito ang itutuloy na i-enroll sa ETEEAP. Magagamit lang ang ilang mga unit na natapos sa final na transcript ng aplikante kapag gagraduate na.
- Kailangang documented ang mga work experience. (Pakisuyong ituloy ang pagbabasa para maintindihan ito.)
Balik tayo sa mga trabahong pwedeng magamit sa pag-enroll sa ETEEAP.
- Factory worker ng limang taon o mahigit pa, lalo na kung ikaw ay naging supervisor na.
- Security guard ng limang taon o mahigit pa, lalo na kung ikaw ay naging supervisor na.
- Nursing aid ng limang taon o mahigit pa at na-promote na rin.
- Nagtrabaho sa restaurant o hotel ng limang taon o mahigit pa at na-promote na rin.
- Nagtrabaho sa technical department ng isang kompanya ng limang taon o mahigit at na-promote pa.
- May sariling negsoyo ng limang taon o mahigit pa at naging matagumpay ito. Kailangan ang testimonya ng mga naging cliente o customer.
- Nagturo ng limang taon o mahigit pa ngunit hindi naman teacher, at hindi rin nakatapos ng anumang degree.
- Supervisor sa kanyang trabaho ng lima o mahigit pang taon ngunit wala pang natapos na degree sa kolehiyo.
- Nagtrabaho sa BPO ng limang taon o higit pa ngunit hindi nakatapos ng degree.
- Construction worker ng limang taon o mahigit pa at maraming ibat-ibang gawain ang nasubukan na niya sa maraming taon.
- Undergraduate ng anumang degree at nagtrabaho ng limang taon o mahigit pa.
- Isang nanay na may sariling negosyo ng mahigit limang taon at matagumpay na napangasiwaan niya ito. Kailangan lang ang testimonya ng tatlo o mahigit pang cliente, customer o supplier.
- Freelancer na may mga customer, cliente o supplier na magpapatunay ng kanyang kakayahan at kagalingan.
- Kung kayo ay may sariling negosyo, pwedeng magpagawa ng certificate mula sa tatlo o mahigit pang cliente o customer ninyo.
- Mga organisasyon na sinalihan ninyo. May atas ba kayong ginampanan doon na pwedeng igawan ng certificate ng inyong mga leader?
- Kayo ba ay aktibo sa inyong simbahan? Anong mga atas ninyo ang pwedeng magawan ng certificate?
- May mga seminar at training ba kayong nadaluhan o napagdaanan?
- May mga proyekto ba kayong nagawa?
- May mga short course ba kayong natapos?
- Kayo ba ay nagkaroon ng mga award, tropeo o medalya sa isang larangan? May certificate din ba ito o larawan na pwede ninyong isama sa inyong mga credential.
Ang mga sumusunod ay pwede rin na makatulong sa inyo sa paghahanda ng inyong mga dokumento para sa pag-aaply sa ETEEAP. Maaring ang ilan sa mga nabanggit dito ay nabasa na rin ninyo sa iba pang bahagi ng website na ito:
- Detalyadong CV. May sample tayo dito sa link (Sample CV).
- Certificate of Employment sa inyong kasalukuyang trabaho. May sample tayo dito sa link (Sample COE).
- Detalyadong atas o function ninyo sa inyong trabaho. Ito ay tinatawag ding Detailed Functions and Responsibilities (DFR). May sample tayo niyan dito sa link (Sample DFR).
- Certificate of Employment sa inyong nakaraang trabaho.
- DFR sa inyong nakaraang trabaho.
- Kung kayo ay may sariling negosyo, o freelancer, pwedeng magpagawa ng certificate mula sa tatlo o mahigit pang cliente o customer ninyo.
- Mga organisasyon na sinalihan ninyo. May atas ba kayong ginampanan doon na pwedeng igawan ng certificate ng inyong mga leader?
- Kayo ba ay aktibo sa inyong simbahan? Anong mga atas ninyo ang pwedeng magawan ng certificate?
- May mga seminar at training ba kayong nadaluhan o napagdaanan?
- May mga proyekto ba kayong nagawa?
- May mga short course ba kayong natapos?
- Kayo ba ay nagkaroon ng mga award, tropeo o medalya sa isang larangan? May certificate din ba ito o larawan na pwede ninyong isama sa inyong mga credential.
Important: Lahat ng work experiences na gamitin ninyo sa pag-apply ay kailangang may dokumento at pwedeng i-verify. Baka ang mga school na eenrollan ninyo ay may work site inspection pa, pwedeng physical visit o virtual visit.
Para sa iba pang mga katanungan ninyo tungkol sa ETEEAP, maari niyo ring tingnan ang mga link na nasa ibaba.
Ano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.
Magkano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.
Paano mag-apply sa ETEEAP? Pali-click ito para sa kasagutan.