Paano mag-enroll sa ETEEAP?
Ang page na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa ETEEAP kasama na dito ang mga kinakailangan o requirements, kung paano mag-apply o mag-enroll hanggang sa mag-umpisa ang actual na pag-aaral ng isang estudyante. Ang ilan sa mga impormasyon dito ay nai-ambag ng mga estudyante base sa kanilang mga karanasan. Ang mga ilang detalye dito ay maaaring ma-update at madagdagan habang kami ay nakakalikom ng iba pang mga karagdagang impormasyon mula sa mga HEI administrators at mga estudyante na magboboluntaryong magbigay nito.
Requirements:
Ang pinakamahalaga at pangunahing kahilingan o requirement ay limang taon o mahigit pang karanasan sa parehong kasanayan, larangan o field of expertise kung saan nais mag-enroll ang isang aplikante. Maaaring ito ay deretso o tuloy-tuloy, o hindi, na pagtatrabaho sa isang kompanya o amo, o kaya ay namahala ng kanyang sariling negosyo, at maaari ding natigil ito at saka uli nagpatuloy. Ang mahalaga ay limang taon o mahigit pa ang kabuuan na siya ay nagkaroon ng karansan sa larangang iyon kahit pa magkakaibang kompanya at magkakaibang panahon (aggregate). Pwede ring idagdag ang kanyang karanasan sa iba pang mga larangan at baka ito ay mabigyan ng credit sa ilang mga asignatura o subject. Kung ang lahat nito ay pwedeng igawan ng dokumento o katunayan, pwede nang ihanda ng aplikante ang iba pang mga kinakailangan na nasa listahan sa ibaba.
- ETEEAP is open for Filipino Citizens only. (Nasa Pilipinas man o abroad. Karamihang deputized HEI ay online ang transactions at modular o online din ang pag-aaral.)
- Birth Certificate issued by NSO/PSA
- Applicant must be 23 years old or above
- Resume/Curriculum Vitae/Personal Data sheet
- ETEEAP Application Form from the ETEEAP Director’s Office of the College or University (HEI), (May downloadable MS Word tayo niyan at pwede din itong i-download mula sa website ng CHED. Nasa ibaba ang instruction kung paano ito ma-download.)
- Service Record/Employment Certificates (Ginawa at nilagdaan ng kasalukuyan at nakaraang mga amo, kung mahigit sa isang amo o kumpanya ang pinasukan. Dapat na magkakahiwalay na dokumento para sa bawat amo o kumpanyang pinasukan ng aplikante. May sample tayo niyan sa link sa ibaba.)
- Job Description/Detailed Functions and Responsibilities
(Pwede itong mahigit sa isa na pinirmahan at napatunayan ng mga kasalukuyan at nagdaang mga amo. Dapat na magkakahiwalay na dokumento para sa bawat amo o kumpanyang pinasukan ng aplikante.) - Recent 1.5×1.5 ID picture attached to the application form
- Transcript of Record
– Undergraduate (Kung mag-eenrol sa Masters Degree)
– Post graduate (Kung mag-eenrol sa Masters or Doctor’s Degree)
– Diploma (Pwedeng gamitin sa lahat ng level)
Important: Para sa mga nais mag-enroll ng Masters o Doctors degree, ang college o university kung saan nagtapos ang aplikante ng kanyang bachelors o masters degree na kasama sa isinumite niya ay kailangang magpadala ng kopya ng Official Transcript of Record (OTR) sa HEI kung saan mag-eenroll ang aplikante. Kasama na din dito ang ilang komento nila tungkol sa aplikante. (Note: Ang graduate degree ay hindi na inaalok sa ETEEAP mula noong December 2021) - Certificate of Licensure Examinations taken (Katulad ng LET o CPA, kung mayroon at kung kapit sa degree na nais i-enroll)
- Certificates of Trainings/Seminars/Workshops Attended (Maaaring ito ay galing sa mismong kompanyang pinasukan o iba pang mga seminar at mga workshop na dinaluhan ng aplikante, kasama na ang mga na-sponsor ng kanyang simbahan, kung mayroon. Pwedeng gamitin ang mga training certificate na nakuha in person o online.)
- Certificates of Awards/Recognition/Citations Received
- Community/Extension Services Rendered (Kung sumama sa relief operation, naging bahagi ng NGO, barangay outreach program, frontliner o iba pang gawaing pangkawanggawa. Kailangan lang na ito ay may dokumentong nagpapatunay at napirmahan ng organizer o kung sinumang may autoridad sa gawaing iyon.)
- Membership in Professional/Government Organizations
- Publications
– Isama ang lahat ng katibayan o katunayang mga dokumento.
– Pwedeng gamitin ang mga digital at online publications tulad ng website, YouTube channel at iba pang pwedeng makita sa Internet.
Para sa mga document na kailangan ninyo, nandito ang link para sa application form at sample ng DFR, CV, COE at application letter.
Link to sample documents
Application Procedure:
- Punan ang application form.
- Maghanada ng detalyadong resume o CV kasama ng isang cover Letter of Intent. Banggitin din dito ang nais i-enroll ng aplikante. May sample tayong introductory letter (click or tap) dito na pwede ninyong i-download. Mayroon din dito na gawa sa MS Word (click or tap) na pwede ninyong i-edit na lang.
- Maghanada ng Detailed Functions and Responsibilities (DFR) o Service Record na pipirmahan ng amo ng aplikante.
Puntahan ninyo ang link na ito para sa sample: Sample DFR - Maghanda ng Detailed Functions and Responsibilities (DFR) o Service Record na pipirmahan ng dating amo ng aplikante kung mayroon. Dapat may DFR sa bawat kompanya o employer.
- Samahan din ang number 3 at 4 ng mga Employment Certificate (COE). Bawat kompanya o amo ay may COE din.
- Ihanda ang iba pang dokumento tulad ng birth certificate na galing sa NSO, Diploma at Original Transcripts of Record ng natapos ng aplikante kung nakapag-college siya. Gumawa ng dalawa o tatlong kopya nito.
- Ihanda ang lahat ng Certificate of Training o mga seminar na nadaluhan ng aplikante. Isama na din ang mga parangal (awards) na natanggap sa ibat-ibang larangan.
- Kung mayroon ay ihanda ang mga dockumento at mga larawan ng mga proyekto na nagawa ninyo ito man ay technical, digital o mga publication.
- Kung may mga dokumento ng mga organisasyon at mga institution na kasapi kayo na doon ay may karanasan din kayo sa larangan o kasanayan na kung saan nais ninyong mag-enroll ay pwede rin ninyo itong isama.
- Para sa pag-aaplay sa online, i-scan ninyo ang lahat ng dokumento na nabanggit na at ipadala ito sa email ng adminstrator ng HEI kung saan nais ninyong mag-enroll.
List of Documents Needed in the ETEEAP Applicant’s Portfolio
- Application Letter (Sample here – https://eteeap.org/appltr)
- Filled out and signed application form (Download here – https://eteeap.org/appform)
- Detailed CV or resume (Sample here – https://eteeap.org/cv)
- Birth certificate (Proof of your citizenship)
- ID (Passport, Driver’s license, etc.) Driver’s license earns some points.
- For female applicants (Surname discrepancy proof – Marriage certificate, etc.)
- High school documents (Diploma, form137/138, Confirmation letter)
- College degree certificate and OTR/TOR and confirmation letter (If applicable)
- Other degree certificates and OTR/TOR and certificate/diploma (If applicable and available)
- COE of all relevant employees (Sample here – https://eteeap.org/coe)
- Recommendation letter from employer
- DFR of all relevant employees if details were not provided on the COE
(Sample here – https://eteeap.org/dfr). If not available your contract and email confirmation of your employment. - OFW documents/contracts/visa/employment certificates. These items can earn evaluation points if they contain specific or detailed information of your work.
- Informal training certificates (TESDA, LinkedIn, Google, Microsoft, Udemy, TES, etc.)
- Training/Seminar certificates provided or sponsored by your employer
- Training/Seminars that you organized, participated and/or conducted.
- Commendation and awards at work and from other activities you had participated
- Certificates and other proofs on involvement in community services such as rescue, frontliner, emergency assistance, calamity response, first response and other similar activities (Voluntary, NGO, Church organized)
- Club, association or other similar memberships (Local community, national or international scope)
- Other licenses (Driver’s, Civil Service Eligibility, PRC, Sub-professional level licenses, etc.)
Kapag na-submit na ang mga nasabing mga dokumento ay isasailalim ang aplikante sa sumusunod:
– Pre-Interview/Pre-Assessment (Ito yung pagsusuri sa mga dokumentong isinumite ng aplikante.)
– Schedule of Psychological Test (Bibigyan ng HEI ang aplikante ng tagubilin kung paano ito gagawin)
– Panel Interview (Bibigyan ng HEI ang aplikante ng tagubilin kung paano ito gagawin)
Pagkatapos nito ang ETEEAP coordinator o sinumang inatasan niya ay magbibigay ng kasagutan sa aplikante kung ito ay kuwalipikado. Malalaman din ng aplikante kung ano ang mga asignatura/subjects at units/credits ang nabigyan ng CLC, at kung ano pa ang kailangan niyang i-enroll. Dito na rin niya malalaman kung magkano ang kailangan niyang bayaran.
Ang pag-eenroll sa ETEEAP sa karamihan ng mga HEI ay araw-araw kaya hindi kailangang sundan ng mga estudyante ang karaniwang timetable na ginagamit sa regular na mga klase. Ang pag-aaral ng mga estudyante ng ETEEAP ay may tatlong sistema at pwedeng mag-combine ang dalawa o tatlo depende sa level ng school kung alin sa mga ito ang na-apbrubahan ng CHED na gamitn nila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito ay pwede ninyong puntahan ang link na ito kung saan ipinaliwanang nang detalyado. ETEEAP Learning Systems.
Ang sumusunod ay isang mahalagang kahilingan (requirement):
Para sa mga nais mag-enroll ng Masters o Doctors degree, ang college o university kung saan nagtapos ang aplikante ng kanyang bachelors o masters degree na kasama sa isinumite niya ay kailangang magpadala ng kopya ng Official Transcript of Record (OTR) sa HEI kung saan mag-eenroll ang aplikante. Kasama na din dito ang ilang komento nila tungkol sa aplikante.
(Note: Ang graduate degree ay hindi na inaalok sa ETEEAP mula noong December 2021)
Para sa mga document na kailangan ninyo, nandito ang link para sa application form at sample ng DFR, CV, COE at application letter.
Link to sample documents
Enrollment Procedure:
Kapag ang school ay nag-abiso na sa aplikante na siya ay kuwalipikadong mag-enroll, ibibigay na rin sa kanya ang mga subject sa pinili niyang degree na hindi nabigyan ng Classroom Learning Credits (CLCs). Ito ang kinakailangan niyang i-enroll. Ipapaalam na rin sa kanya kung ano ang mga bayarin niya at kung paano niya babayaran ito. Bibigyan din siya ng karagdagang mga tagubilin kung ano pang mga hakbang ang kanyang gagawin upang makompleto ang kanyang pag-eenroll.
Fees and Costs:
Ang mga bayarin o fees ay malalaman lamang pagkatpaos ng evaluation ng mga isinumiteng mga dokumento ng aplikante. Walang tiyak na kasagutan ang katanungan ng karamihan na “Magkano?”. Ngunit pwedeng tantiyahin ito kung alam natin ang tuition per unit sa HEI at kung ilang unit ang pwedeng i-enroll sa isang semester ng mga regular na estudyante nila. Pagkatapos ay idagdag natin ang iba pang mga fee katulad ng enrollment at iba pang mga miscellaneous fee.
Para matantiya ang gagastusin ng isang estudyante ng ETEEAP hanggang sa matapos siya gamit ang impormasyon para sa regular ng mga estudyante, karamihan sa mga kumukuha ng bachelors degree ay natatapos nila ito sa isa hanggang dalawang semester. Ang mga kumukuha naman ng Masters dergree ay natatapos sa dalawa hanggang tatlong semester (Sa ngayon ay pansamantalang itinigil ng CHED ang graduate degree -Masterate and Doctorate programs- sa ETEEAP). Kadalasan na hindi isang bayaran ang buong semester kundi nahahati ito sa tatlo o apat na bayaran. Ngunit may mga school na nagbibigay ng discount sa mga nagbabayad nang minsanan, at may mga school din na pwedeng magamit ang scholarship programs. Pwde ninyo silang kontakin para dito.
Sa mga online na transaction ay ipapadala ang bayad sa pamamagitan ng bank transfer o iba pang online na paraan.
May halimbawa tayo sa article na ito kung gusto ninyong tingnan: Magkano ang ETEEAP?
Confirmation of Enrollment:
Kapag natanggap na ng school ang unang bayad, mapapadala ng email ito sa aplikante kasama na ang official receipt. Ipapaalam din sa kanila na hintayin nila ang imbitasyon ng kanilang mga propesor na mag-join sa kanilang online class o kaya kung paano nila makukuha ang kanilang mga module.
Start of Classes:
Ang mga klase sa ETEEAP ay hindi katulad ng traditional na sistema na ginagamit ng mga regular na mga estudyante. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito ay pwede ninyong puntahan ang link na ito kung saan ipinaliwanang nang detalyado. ETEEAP Learning Systems.
Mode of Lesson Delivery:
Tulad ng nabanggit na kanina, ang pag-aaral ng mga estudyante ng ETEEAP ay may tatlong sistema at pwedeng mag-combine ang dalawa o tatlo depende sa level ng school kung alin sa mga ito ang na-apbrubahan ng CHED na gamitn nila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito ay pwede ninyong puntahan ang link na ito kung saan ipinaliwanang nang detalyado. ETEEAP Learning Systems.
Ang page na ito ay laging ina-update dahil sa mga pagbabago sa mga kaayusan sa ETEEAP at ng CHED. Ang mga pagbabagong ito ay para makaalinsabay sa pang-globong pangkalahatang sistema ng edukasyon at para na rin magiging maayos ang daloy ng pag-aaral ng mga estudyante lalo nong panahon ng Covid-19 pandemic. Ngayong balik normal na tayo ay may mga pagbabago din na ginawa ang mga school at ang iba naman ay ibinalik ang dating sinusunod nilang sistema bago mag-pandemic. Kontakin lang ninyo ang mga school para malaman ang mag ito. Pwede din kayong magpadala ng inyong mga karanasan sa pag-aaral sa ETEEAP upang maidagdag natin dito para na rin sa kapakinabangan ng iba pang mga kasalukuyang nag-aaral at gusto pang mag-aral.
Maraming salamat.
Para sa iba pang mga katanungan ninyo tungkol sa ETEEAP, maari niyo ring tingnan ang mga link na ito.
Ano ang ETEEAP? Paki-click o tap ito para sa kasagutan.
Sino ang pwedeng mag-apply at mag-enroll sa ETEEAP?
Masasagot iyan sa “Sino ang pwede sa ETEEAP?“
Paano mag-apply sa ETEEAP? Pali-click o tap ito para sa kasagutan.