Expanded Assistance to DH and Caregivers
Ang page na ito ay exclusive para sa mga Domestic Helper (DH) at mga Caregiver na hindi ma-qualify sa ibang ETEEAP program. Ginawa ang sistemang ito dahil naobserbahan na marami ang nahihirapan na gumawa ng kanilang mga document tulad ng CV, application letter, mag fill out ng ETEEAP application form at iba pang mga kailangan nilang ihanda sa pag-apply sa ETEEAP. Ang dahilan ay wala silang access sa mga computer at dahil din sa nature ng kanilang trabaho ay talagang nahihirapan sila bukod sa celfon lang ang gamit nila.
Ang isa pang dahilan ay wala silang alam na pagkuhanan ng mga kinakailangang training certificate na susuporta sa kanilang specific na trabaho maliban doon sa mga standard na certificate na kinuha nila nang nag-apply sila bilang OFW.
Dahil dito ay nais namin kayong tulungan sa paghahanda ng inyong mga credential. May bayad ang services na ito pero sulit ang gastos ninyo.
Ito yung college degree program na aligned sa inyo.
Food Service Management under their Bachelor of Industrial Technology (BIT-FSM). It is also called Bachelor of Industrial Technology majoring in Food Service Management (BIT-FSM).
Pero kailangan pa rin limang taon a mahigit pa na bahagi ng trabaho ninyo ang food preparation at diet management. Kasama din dapat ay kitchen management and budgeting. Kung ito ay hindi bahagi ng work experience ninyo ay hindi pa rin kayo ma-qualify.
Ang progam na ito ay management degree na kapareho ng BSBA, pero naka-focus lang sa management ng mga food business, food factories at mga kaparehong establishment kasama na diyan ang mga fast food chain at restaurant sa loob ng mga hotel. Ito ay WES-accredited na program kaya magagamit ninyo ito sa Canada at US. Hindi lalagpas sa 40,000.00 pesos ang magagastos ninyo hanggang matapos.
Total Cost Breakdown
Ang table sa ibaba ay walang hidden charges. Nandiyan lahat ang detalye ng mga kailangan ninyong ihanda mula sa pag-apply hanggang graduation. Makikita din ninyo kung kailan ninyo dapat bayaran ang bawat section sa fee structure.
| DESCRIPTION | Cost | PAYEE | When to Pay |
|---|---|---|---|
| Orientation, document preparation and consultation assistance for DH/Caregivers | 8,500.00 | Consultant (To us) | Before start of application |
| Equivalency and accreditation fee | 12,000.00 | School | Approved for enrollment |
| Tuition fee for maximum required units | 6,000.00 | School | When enrolled and received modules |
| Module fee for maximum required units | 2,400.00 | School | Anytime after enrollment |
| Worksite visit | 4,000.00 | School | Anytime after enrollment |
| Module answers printing and shipping fee (Between 300 and 500 pages and 8 to 11 folders) | 4,500.00 | Consultant (To us) | When modules are ready for submission |
| Other fees (Graduation, OTR and diploma, etc.) | 4,000.00 | School | Before applying for graduation |
| Maximum Expense until graduation | 41,400.00 |
Important to note: Bihirang umaabot sa 41,400.00 ang kabuuang binabayaran ng estudyante. Naka-maximum ang computation sa itaas. Kadalasan ay mas mababa ng PHP2,000.00 hanggang PHP3,000.00 ang inaabot ng total na expense kaya ang naka-advertise ay less than 40,000.00 ang total cost.
Paano Mag-apply?
- Kailangan ninyong i-submit ang kompletong requirement ninyo na naka-print at nasa isang folder.
- Dapat organized ang mga credential ninyo sa sequence ng category ng mga document.
- Hindi ini-evaluate ang mga pinapadala lang sa email lalo na kung hindi kompleto ito, at kahit pa kompleto ay hindi nila titingnan yun. Kailangang naka-print.
- Pwede ninyong gawin ang lahat ng procedure na ito, o pwede din kayaong mag-avail sa mga services namin na nasa ibaba.
Ano ang Magagawa Namin Para sa Inyo?
Ang consultancy services namin ay nakalaan para sa mga DH at caregiver na nahihirapan na maghanda at mag-compile ng kanilang mga requirement para makapag-aral sa ETEEAP. Sa mga nag-avail nito na na-submit sa school mula noong inumpisahan namin may mga pumasa at nakapag-enroll na (Wala pa namang bumabagsak). May mga naghihintay din ng result ng evaluation nila at may kino-kompleto pa ang kanilang mga requirement.
Ang babayaran ninyo ay 8,500.00 na kasama na doon sa Total Cost Breakdown sa itaas. Ano ang magagawa namin para sa inyo sa service fee na ito?
Ang mga sumusunod ang kasama sa services namin na babayaran ninyo:
- May online orientation tayo pagkatapos ninyong magbayad (Pwedeng one-on-one o group kung may kasabay kayo na nagbayad). May link sa ibaba kung saan kayo magpapa-register.
- Tutulungan namin kayo sa mga paraan kung paano at saan makakuha ng mga kinakailangang training certificate na akma sa inyong skills.
- Magbibigay kami ng guidance kung ano pa ang mga document na kailangan ninyo, kung saan ninyo ito makukuha, o kung paano kayo makakakuha. Pero hindi namin kayo iga-guide sa mga illegal na procedure at mga hindi totoo.
- Bibigyan namin kayo ng mga sample na document, at kung kailangan ay gagawin namin ang mga ito para i-print ninyo at ipa-prima na lang sa mga amo ninyo saka ninyo ibalik sa amin.
- Kung kinakailangan ay kami ang magta-type ng mga sagot ninyo sa application form at sa iba pang mga document na hindi ninyo magawa dahil celfon lang ang gamit ninyo. Pero hindi kami ang sasagot sa mga tanong. May form kung saan ninyo i-fill out yung mga sagot ninyo na madali lang gawin sa celfon at kami na lang ang maglilipat ng mga information (Ang mga form na ito ay legal at pwedeng gamiting proof sa mga legal transactions). Bibigyan namin kayo ng karagdagang instruction tungkol dito kapag nakapagbayad na kayo.
- Kami ang mag-organize ng mga credential ninyo.
- Kami ang mag-print at mag-organize ng mga ito para ma-bind ang portfolio ninyo.
- Ipapadala namin ito sa school para sa evaluation.
- Tutulong kami sa pag-follow up at kung may kulang pa ay itutuloy namin ang assistance sa inyo kung paano ninyo ito makukuha.
- Kung sakaling bumagsak man kayo sa unang evaluation ay itutuloy namin ang assistance hanggang sa makompleto ninyo ang requirement at makapag-enroll.
Pero bago kayo magpatuloy ay pakibasa lang ninyo itong Accountability Release, Disclaimer at iba pang policy:
Una: Hindi ito procedure ng PSU o ng anumang school na kung saan nagkaroon kami ng ganitong kaayusan. Requirement ng PSU na naka-print ang mga document ninyo at naka-organize sa isang folder bago ito i-submit. Hindi nila trabaho ang mag-print. Kaya namin ito inaalok na serbisiyo, at pinayagan naman ito ng PSU. Hindi din namin sila partner. Kaya kung anuman ang magiging problema sa set-up na ito ay walang pananagutan ang PSU habang nasa amin at pinoproseso namin ang mga requirement ninyo. Ang responsibilidad lang nila ay kung makarating na ang portfolio ninyo sa kanila.
Pangalawa: Hindi garantiya ito ng automatikong enrollment ninyo sa PSU. Ito ay isa lang na bahagi ng proseso ng pag-apply ninyo. Kung anuman ang resulta ng evaluation nila ay hindi na namin pananagutan yun dahil kung ano ang sinubmit ninyo ay yun din ang ipapasa namin sa kanila.
Policy tungkol sa refund:
– Kapag nagbayad na kayo at napagtanto ninyo na hindi pala aligned sa mga programa ng PSU ang inyong mga credential, at gusto ninyong magpa-refund ay may 48 hours lang para gawin ninyo ito. Ngunit ang ire-refund lang namin ay 25% ng binayaran ninyo.
Ang dahilan: Kailangan ninyong serisohin ang pag-apply dito at hindi lang kayo gumagawa ng school shopping. Dapat ay serioso, desidido determinado kayo sa pagpasok sa programang ito, at pag-aralan ninyong mabuti bago kayo mag-umpisa. Kami ay serioso sa pagtulong at dapat ay ganoon din kayo sa inyong pag-apply.– Kung ang inyong credential naman ay aligned sa mga programa ng PSU ngunit gusto ninyong magpa-refund sa kung anumang dahilan ay hindi kami magre-refund. Ilalagay namin ang inyong application sa Dormant Applicants’ folder. Pwede ninyong ituloy ang inyong application na walang babayaran sa loob ng isang taon. Kapag lumagpas na ang isang taon ay ma-forfeit ang ibinayad ninyo. At kung gusto ninyong mag-apply ulit ay kailangan ninyong magbayad ng panibago.
Ang dahilan: Kailangan ninyong serisohin ang pag-apply dito at hindi lang kayo gumagawa ng school shopping. Dapat ay serioso, desidido determinado kayo sa pagpasok sa programang ito, at pinag-aralan ninyong mabuti bago kayo mag-umpisa. Kami ay serioso sa pagtulong at dapat ay ganoon din kayo sa inyong pag-apply.
Kung intresado kayo sa setup na ito at ready na kayo ay pwede na kayong mag-fill-out sa registration form na nasa link sa ibaba gamit ang inyong email address. Mas maige na GMAIL ang gamitin ninyo at dyan din naman naka-login ang inyong Smart phone (Kung walang Google Form sa celfon ninyo ay mag-install muna kayo para mabuksan ninyo ito). Kailangan ninyong basahing mabuti ang mga tanong bago ninyo sagutin. May mga instruction din sa form na kailangan ninyong intindihin kasama ang procedure ng pagbayad. Bago ninyo i-submit yung form ay reviewhin ninyo kung nasunod ninyong lahat ang mga nandoon na procedure at instruction. Pwede ninyong pindutin yung picture o yung button para mabuksan yung registration form.
Pwede din kayong mag-send ng message doon sa WhatsApp link sa ibaba kung may katanungan pa kayo o gustong linawin.

List of Requirements
Ibibigay namin ang listahan ng mga requirement na kailangan ninyong ihanda sa orientation at kung paano ninyo ihanda ang mga ito para siguradong hindi kayo nangangapa o magkamali at yung tamang dokumento lamang ang ihahanda ninyo. Ito ay para hindi masayang ang inyong panahon at gastos.
Pagkatapos ninyong magbayad ay may instruction sa registration form kung ano ang susunod ninyong gagawain. Nandiyan na din ang instruction kung paano magbayad. Yung botton dito sa ibaba ang link sa registration form. Click or tap niyo lang.
Our Track Record
We would like to take this opportunity to thank all those who trusted in us and our services. After this was launched on May 2, 2024, here is our track record:
- Marami-rami na rin pumasa at nakapag-enroll at may mga malapit nang grumaduate. May mga nagpapa-print na rin ng mga module nila na mga OFW para mas madaling maipadala at mas organized ito.
- May mga bumagsak din pero natulungan at pumasa sa re-evaluation. May mga tuluyan nang sumuko at may ilan na sa ibang school nagpatuloy. May mga ilan na kasalulukuyang kinokompleto ang additional requirements para magpa-reevaluate. Patuloy ang assistance namin sa mga ito.
- Degree na napasukan/na-applayan ng mga nag-avail:
- Bachelor of Education
- Majoring in the following:
– Elementary Education
– General Enhanced Education (For younger learners)
- Majoring in the following:
- Bachelor of Secondary Education
- Majoring in the following:
– Mathematics
– English
– Social Studies
– Pilipino
– Science
– TLE
- Majoring in the following:
- Bachelor of Industrial Technology
- Majoring in the following:
– Food Service Management
– Mechanical Technology, with Management units
– Electrical Technology, with Management units
– Electronics Technology, with Management units
– Automotive Technology, with Management units
– Garments and Fashion Design, with Management units
– Civil Technology (Lingayen Campus)
– Drafting Technology (Lingayen Campus)
- Majoring in the following:
- Bachelor of Science in Agriculture
– Sta. Maria Campus
- Bachelor of Education
- Countries where applicants were based
– Philippines
– Thailand
– Hong Kong
– China
– Canada (WES Accredited as 4-year bachelors degrees)
– Middle Eastern Countries
– Cambodia
– Laos
– Vietnam
– Singapore
– Indonesia
– Japan
– South Korea
– Palau
– New Zealand
– USA
– Europe - May mga nag-avail na rin sa Module Printing and Shipping na extension ng services na ito.
– Nasa ibaba ang link para sa students’ module services.
For enrolled students who need, or wish to avail of the, printing and shipping of their modules to PSU, please click or tap on the link button to go to the students module assistance page.
Frequently Asked Questions (FAQs) from DH and Caregivers
Q: Paano kung nagbayad ako at hindi ako pumasa sa evaluation?
A: Kung hindi pumasa sa unang evaluation ay malalaman natin kung ano ang kulang pa na dapat ipasa sa school. Sasabihin yan ng school sa amin at yun ang aasikasuhin natin para maibigay natin. Hindi dahil sa bumagsak sa unang evaluation ay nangangahulugan na wala nang pag-asa. Kadalasan ay may isa o dalawang document lang na kailangang maipasa. Pero bago mangyari yan, tinitiyak muna namin na kompleto na ang mga requirement ninyo bago natin ipasa ang mga ito. Ito ang services na binabayaran ninyo sa amin.
Q: Pwede bang kumuha ng education degree ang isang nanny/tutor ng mahigit five years?
A: Ang education degree ay board degree at ang mga qualified dito sa ETEEAP ay yung may experience sa totoong pagtuturo sa classroom at online na hindi lang one-on-one kundi multiple students na simultaneous. Ang isang nanny-tutor ay parang isang full-time na mother at housewife na may limang anak na magkakasunod at siya din ang tutor ng kanyang mga anak. Hindi ito pwedeng ma-qualify sa education degree.
Q: May paraan ba para makakuha ang isang DH ng education degree?
A: Mayroon. Yan ang isa sa mga tinatalakay sa orientation kapag nag-sign up ka na.
Q: Pwede bang kumuha ng BSN ang isang cargiver?
A: Hindi kahit pa sa caregiving facility siya nagta-trabaho. Ang BSN ay mataas ang requirement at kailangan din na sa medical facilities nagtatrabaho ang mga aplikante. Para makita ninyo ito, pwede ninyong puntahan ang link na ito para sa kompletong requirement: BSN Requirement Page
Q: Pwede bang mag-enroll sa BSBA ang isang DH o Caregiver?
A: Hindi kung base lamang sa trabaho niya bilang DH o Caregiver. Pero kung may trabaho siya bago mag-DH na pwedeng ma-align sa BSBA nang mahigit sa 5 years at may kompletong document ay pwedeng ma-consider ng school.
Q: May posibilidad ba na makapag-apply sa BSBA ang isang caregiver?
A: Pwede kung ang trabaho niya ay sa opisina ng isang caregiving facility na humahawak ng mga office functions tulad ng secretary at iba pang administrative function o position. Pero kung in-house o live-in family caregiver ay hindi qualified. Ang pwedeng recommended program ay ang Bachelor of Industrial Technology, majoring in Food Service Management (BIT-FSM), kung kasama sa trabaho niya ang food preparation at kitchen management and budgeting. Kung hindi ay hindi pa rin siya qualified.
Q: Pwede bang mag-apply sa ibang degree program ang isang DH o caregiver?
A: Pwede kung may ibang trabaho siya sa ibang field bago maging DH na pwedeng ma-align sa mga inaalok na college degree program sa ETEEAP. Ngunit kailangan pa rin na limang taon o mahigit na trabaho niya ito at kompleto siya ng supporting documents at iba pang mga requirement sa ETEEAP.
Q: Undergraduate ako ng ___xxx___ na degree. Pwede ko bang ituloy yun sa ETEEAP?
A: Para matanggap sa ETEEAP, ang unang titingnan ng school ay ang work experience mo kahit pa nakatapos ka ng isang doctorate degree. Hindi ito program kung saan mo itutuloy ang hindi mo natapos na college degree mo, maliban lang kung ang trabaho mo ay related din dito.
Ito yung primary requirements for evaluation:
1) Age (23 years or older)
2) Filipino
3) High school graduate
4) 5 years or longer of relevant work experience, including proper supporting documents.
Kung pasado ka sa apat na ito saka pa lang nila titingnan ang iba pang mga credential mo, kasama na diyan ang mga college degree mo. Pero kung wala ka ng kahit isa sa apat na primary requirement, hindi na nila itutuloy ang evaluation mo kahit pa may dalawa kang doctorate degree.
Q: Paano kung yan ang gusto ko (BSBA or Education Degree), dahil yan talaga ang pangarap ko?
A: Ang ETEEAP ay HINDI YUNG GUSTO mong degree, kundi kung ano ang aligned na program sa trabaho mo. Maliban kung nagkataon na yung gusto mong degree ang aligned sa trabaho mo. Pero kung hindi at gusto mo talaga yung hindi aligned ay isa lang ang pwede mong gawin. Mag-enroll sa school na mayroon niyan sa regular program nila, yung 4 years na kunkunin na pwedeng online, hybrid modular-online o face-to-face. Huwag kang mag-enroll sa mga school na nagsasabing pwede kang makatapos ng less than 6 months na parang ETEEAP din pero hindi siya ETEEAP. Scam yan at baka kakutyaba ng school at yung ahente.