Aligned Program ng PSU ETEEAP para sa mga DH at Caregiver
Ang page na ito ay exclusive para sa mga Domestic Helpers (DH) at Caregiver na hindi ma-qualify sa mga degree program ng ETEEAP dahil wala silang ibang work experience bago sila mag-DH o mag-Caregiver.
Bago kayo pumatol sa mga hindi siguradong inaalok sa inyo (at baka ma-scam pa kayo) may isang program sa Pangasinan State University-Asingan Campus na pwedeng akma sa inyo.
Ang PSU-Asingan ay isang state university (government university) kaya nakasisiguro kayo na legitimate ito at kinikilala sa ibang bansa.
Suggested and Offered Bachelors Degree Program
Ang program ay Food Service Management na nasa ilalim ng Bachelor of Industrial Technology (BIT-FSM). Tinatawag din itong Bachelor of Industrial Technology majoring in Food Service Management (BIT-FSM).
Ito ay Four-Year Management Degree (Bachelors Degree) na kapareho ng BSBA, ngunit naka-focus ito sa management ng mga food business, mga factory ng lahat ng uri ng pagkain, at mga establishments kasama na ang mga restaurant sa mga hotel at mga fast food chain, ganoon din sa mga farm kung saan nangggaling ang mga pagkain natin.
Features, accreditations, cost and learning modality
Ang ilan sa mga feature ng degree program na ito ay ang mga sumusunod:
- Full Bachelors Degree ito at accredited ng World Education System (WES) sa Canada at US na 4-year bachelors degree.
- Nagkakahalaga ng hindi aabot sa 40,000.00 hanggang matapos. Installment ito at nasa breakdown sa ibaba ang fee structure.
- Pwedeng tapusin ito sa pagitan ng 6 hanggang 18 na buwan depede sa sipag ng estudyante at sa availability ng oras niyang gawin ang kanyang mga module.
- Walang thesis ito ngunit may mga research project na ibibigay sa estudyante na naka-focus pa rin sa mga issue sa food industry.
- Ito ay isang full self-paced modular na program na walang face-to-face o online classroom na kailangang mag-join kaya maalwan at convenient sa napaka-busy na mga domestic helper at mga in-house o live-in family caregiver.
Mga Trabaho Para sa mga Graduate ng BIT-FSM (Career Path)
- Supervisory at Managerial na position sa mga fast food chains.
- Supervisory at Managerial position sa mga restaurant at iba pang mga food establishment.
- Supervisory at Managerial position sa mga food manufacturing company.
- Supervisory at Managerial position sa mga abattoirs o slaughterhouse (katayan).
- Supervisory at Managerial position sa mga food-producing institution at farm.
Ang BIT-FSM ay kasama sa Bachelor of Industrial Technology na programa ng CHED na nasa CMO13, series of 2023 (Reference – https://eteeap.org/bit), at ang mga nakapagtapos dito ay pwedeng makakuha ng mga trabaho bilang:
- Technologist
- Specialist
- Quality controller
- Industry manager
- Supervisors
- Consultants
- Technology developer
- Researcher
- Innovator
- Technopreneurs
Qualifications para sa mga Domestic Helper at Caregiver
Primary Requirement
- 23 years or older (No upper limit)
- High school graduate equivalent (Regular old or new curriculum or ALS)
Dapat ang inyong credential ay nagsasabing “Eligible for College“, “Eligible for Tertiary Education“, o “Secondary Education Equivalent“ - Filipino citizen (Dual citizens are accepted)
- 5 years or longer as domestic helper or in-house/live-in caregiver. Pwede din ang mga nasa caregiving facilities.
Work Experience Requirement
Para ma-qualify, kailangang isa sa mga pinakapangunahing trabaho ninyo bilang DH o caregiver ay ang mga ito:
- Food preparation para sa mga amo
- Kitchen management ng amo
- Diet management ng mga miyembro ng pamilya
- Pamamalengke at budgeting ng mga pangangailangan sa kusina.
Ang mga amo ninyo (kasalukuyan man o nakaraan-current and former, kung mahigit sa isa) ay kailangang magbigay ng supporting document sa trabaho ninyong ito. Siguradong karamihan, kung hindi lahat, ng mga DH at caregiver ay kasama sa trabaho nila ang mga nabanggit na. Kailangan lang na maigawan ng mga document na nagpapatunay nito (proof). May mga ibang requirement pa maliban sa mga nabanggit na. Dito ay pwede kaming tumulong sa inyo kung kailangan ninyo, pero siyempre may bayad and services namin.
Magkano ba ang magagastos sa program na ito?
Total Cost Breakdown
Narito ang detalyadong information sa kung magkano ang program na ito sa nasabing school. Ang table sa ibaba ay walang hidden charges. Nandiyan lahat ang detalye ng mga kailangan ninyong ihanda mula sa pag-apply hanggang graduation. Makikita din ninyo kung kailan ninyo dapat bayaran ang bawat section sa fee structure.
| DESCRIPTION | Cost | PAYEE | When to Pay |
|---|---|---|---|
| Document preparation and consultation assistance for DH and in-house caregivers (negotiable) | 8,500.00 | Consultant (To us) | Before start of application |
| Equivalency and accreditation fee | 12,000.00 | School | Approved for enrollment |
| Tuition fee for maximum required units | 6,000.00 | School | When enrolled and received modules |
| Module fee for maximum required units | 2,400.00 | School | Anytime after enrollment |
| Worksite visit | 4,000.00 | School | Anytime after enrollment |
| Module answers printing and shipping fee (Between 300 and 500 pages and 8 to 11 folders) | 4,500.00 | Consultant (To us) | When modules are ready for submission |
| Other fees (Graduation, OTR and diploma, etc.) | 4,000.00 | School | Before applying for graduation |
| Maximum Expense until graduation | 41,400.00 |
Important to note: Bihirang umaabot sa 40,000.00 ang kabuuang binabayaran ng estudyante. Naka-maximum ang computation sa itaas. Kadalasan ay mas mababa ng PHP2,000.00 hanggang PHP3,000.00 ang inaabot ng total na expense.
Kung nakita naintindihan ninyo na kayo ay qualified base sa mga nasabing mga requirement at ready na kayong magpa-evaluate ay pwede ninyong tingnan yung section na “Paano Mag-Apply” sa ibaba.
Paano Mag-Apply
Pakibuksan yung link sa ibaba para mapunta kayo doon sa page kung paano mag-apply sa program na ito. Kailangan ng orientation para maintindihang mabuti ang procedure yamang mas marami ang kailangang gawin ng isang DH para makapasok dito kaysa sa ibang mga trabaho na ina-align sa ETEEAP.
Paano Mag-Apply
Pakibuksan yung link sa ibaba para mapunta kayo doon sa page kung paano mag-apply sa program na ito.
Frequently Asked Questions (FAQs) from DH and Caregivers
Q: Paano kung nagbayad ako at hindi ako pumasa sa evaluation?
A: Kung hindi pumasa sa unang evaluation ay malalaman natin kung ano ang kulang pa na dapat ipasa sa school. Sasabihin yan ng school sa amin at yun ang aasikasuhin natin para maibigay natin. Hindi dahil sa bumagsak sa unang evaluation ay nangangahulugan na wala nang pag-asa. Kadalasan ay may isa o dalawang document lang na kailangang maipasa. Pero bago mangyari yan, tinitiyak muna namin na kompleto na ang mga requirement ninyo bago natin ipasa ang mga ito. Ito ang services na binabayaran ninyo sa amin.
Q: Pwede bang kumuha ng education degree ang isang nanny/tutor ng mahigit five years?
A: Ang education degree ay board degree at ang mga qualified dito sa ETEEAP ay yung may experience sa totoong pagtuturo sa classroom at online na hindi lang one-on-one kundi multiple students na simultaneous. Ang isang nanny-tutor ay parang isang full-time na mother at housewife na may limang anak na magkakasunod at siya din ang tutor ng kanyang mga anak. Hindi ito pwedeng ma-qualify sa education degree.
Q: May paraan ba para makakuha ang isang DH ng education degree?
A: Mayroon. Yan ang isa sa mga tinatalakay sa orientation kapag nag-sign up ka na gamit yung “Paano Mag-Apply” na section sa itaas.
Q: Pwede bang kumuha ng BSN ang isang cargiver?
A: Hindi kahit pa sa caregiving facility siya nagta-trabaho. Ang BSN ay mataas ang requirement at kailangan din na sa medical facilities nagtatrabaho ang mga aplikante. Para makita ninyo ito, pwede ninyong puntahan ang link na ito para sa kompletong requirement: BSN Requirement Page
Q: Pwede bang mag-enroll sa BSBA ang isang DH o Caregiver?
A: Hindi kung base lamang sa trabaho niya bilang DH o Caregiver. Pero kung may trabaho siya bago mag-DH na pwedeng ma-align sa BSBA nang mahigit sa 5 years at may kompletong document ay pwedeng ma-consider ng school.
Q: May posibilidad ba na makapag-apply sa BSBA ang isang caregiver?
A: Pwede kung ang trabaho niya ay sa opisina ng isang caregiving facility na humahawak ng mga office functions tulad ng secretary at iba pang administrative function o position. Pero kung in-house o live-in family caregiver ay hindi qualified. Ang pwedeng recommended program ay ang Bachelor of Industrial Technology, majoring in Food Service Management (BIT-FSM), kung kasama sa trabaho niya ang food preparation at kitchen management and budgeting. Kung hindi ay hindi pa rin siya qualified.
Q: Pwede bang mag-apply sa ibang degree program ang isang DH o caregiver?
A: Pwede kung may ibang trabaho siya sa ibang field bago maging DH na pwedeng ma-align sa mga inaalok na college degree program sa ETEEAP. Ngunit kailangan pa rin na limang taon o mahigit na trabaho niya ito at kompleto siya ng supporting documents at iba pang mga requirement sa ETEEAP.
Q: Undergraduate ako ng ___xxx___ na degree. Pwede ko bang ituloy yun sa ETEEAP?
A: Para matanggap sa ETEEAP, ang unang titingnan ng school ay ang work experience mo kahit pa nakatapos ka ng isang doctorate degree. Hindi ito program kung saan mo itutuloy ang hindi mo natapos na college degree mo, maliban lang kung ang trabaho mo ay related din dito.
Ito yung primary requirements for evaluation:
1) Age (23 years or older)
2) Filipino
3) High school graduate
4) 5 years or longer of relevant work experience, including proper supporting documents.
Kung pasado ka sa apat na ito saka pa lang nila titingnan ang iba pang mga credential mo, kasama na diyan ang mga college degree mo. Pero kung wala ka ng kahit isa sa apat na primary requirement, hindi na nila itutuloy ang evaluation mo kahit pa may dalawa kang doctorate degree.
Q: Paano kung yan ang gusto ko (BSBA or Education Degree), dahil yan talaga ang pangarap ko?
A: Ang ETEEAP ay HINDI YUNG GUSTO mong degree, kundi kung ano ang aligned na program sa trabaho mo. Maliban kung nagkataon na yung gusto mong degree ang aligned sa trabaho mo. Pero kung hindi at gusto mo talaga yung hindi aligned ay isa lang ang pwede mong gawin. Mag-enroll sa school na mayroon niyan sa regular program nila, yung 4 years na kunkunin na pwedeng online, hybrid modular-online o face-to-face. Huwag kang mag-enroll sa mga school na nagsasabing pwede kang makatapos ng less than 6 months na parang ETEEAP din pero hindi siya ETEEAP. Scam yan at baka kakutyaba ng school at yung ahente.
… More to be added …
Please send your questions to this email so we can add and answer them here.
— psu@eteeap.org —





















