December 04, 2024
ETEEAP Fees
Documents Preparation Assistance
PSU Portfolio Preparation, Printing and Shipping Assistance
Featured Schools-MSEUF
Featured Schools in Mindanao
Graduate Degrees
ETEEAP Quick Enrollment Guide
BInd-Tech
Featured School-University of Baguio
CNN Interview
ETEEAP
Philippines

Paano Mag-apply sa ETEEAP?

Share this page

Ang page na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa ETEEAP kasama na dito ang mga kinakailangan o requirements, kung paano mag-apply o mag-enroll hanggang sa mag-umpisa ang actual na pag-aaral ng isang estudyante. Ang ilan sa mga impormasyon dito ay nai-ambag ng mga estudyante base sa kanilang mga karanasan. Ang mga ilang detalye dito ay maaaring ma-update at madagdagan habang kami ay nakakalikom ng iba pang mga karagdagang impormasyon mula sa mga HEI administrators at mga estudyante na magboboluntaryong magbigay nito.

Requirements:

Ang pinakamahalagang kahilingan o requirement ay limang taon o mahigit pang karanasan sa parehong kasanayan, larangan o field of expertise kung saan nais mag-enroll ang isang aplikante. Maaaring ito ay deretsong pagtatrabaho sa isang kompanya o amo, o kaya ay namahala ng kanyang sariling negosyo, at maaari ding natigil ito at saka uli nagpatuloy. Ang mahalaga ay limang taon o mahigit pa ang kabuuan na siya ay nagkaroon ng karansan sa larangang iyon. Pwede ring idagdag ang kanyang karanasan sa iba pang mga larangan at baka ito ay mabigyan ng credit sa ilang mga asignatura o subject. Kung ang lahat nito ay pwedeng igawan ng dokumento o katunayan, pwede nang ihanda ng aplikante ang iba pang mga kinakailangan na nasa listahan sa ibaba.

  • ETEEAP is open for Filipino Citizens only. (Nasa Pilipinas man o abroad. Karamihang deputized HEI ay online ang transaksyon at modular o online din ang pag-aaral.)
  • Birth Certificate issued by NSO/PSA
  • Applicant must be 23 years old or above
  • Resume/Curriculum Vitae/Personal Data sheet
  • ETEEAP Application Form from the ETEEAP Director’s Office of the College or University (HEI), (Pwede din itong i-download mula sa website ng CHED.)
  • Service Record/Employment Certificates (Ginawa at nilagdaan ng kasalukuyan at nakaraang mga amo, kung mahigit sa isang amo o kumpanya ang pinasukan. Dapat na magkakahiwalay na dokumento para sa bawat amo o kumpanyang pinasukan ng aplikante.)
  • Job Description/Detailed Functions and Responsibilities
    (Pwede itong mahigit sa isa na pinirmahan at napatunayan ng mga kasalukuyan at nagdaang mga amo. Dapat na magkakahiwalay na dokumento para sa bawat amo o kumpanyang pinasukan ng aplikante.)
  • Recent 1.5×1.5 ID picture attached to the application form
  • Transcript of Record
    Undergraduate
    (Kung mag-eenrol sa Masters Degree)
    Post graduate (Kung mag-eenrol sa Masters or Doctor’s Degree)
    Diploma (Pwedeng gamitin sa lahat ng level)
    Important: Para sa mga nais mag-enroll ng Masters o Doctors degree, ang college o university kung saan nagtapos ang aplikante ng kanyang bachelors o masters degree na kasama sa isinumite niya ay kailangang magpadala ng kopya ng Official Transcript of Record (OTR) sa HEI kung saan mag-eenroll ang aplikante. Kasama na din dito ang ilang komento nila tungkol sa aplikante.
  • Certificate of Licensure Examinations taken (Katulad ng LET o CPA, kung mayroon at kung kapit sa degree na nais i-enroll)
  • Certificates of Trainings/Seminars/Workshops Attended (Maaaring ito ay galing sa mismong kompanyang pinasukan o iba pang mga seminar at mga workshop na dinaluhan ng aplikante, kasama na ang mga na-sponsor ng kanyang simbahan, kung mayroon.)
  • Certificates of Awards/Recognition/Citations Received
  • Community/Extension Services Rendered (Kung sumama sa relief operation, naging bahagi ng NGO, barangay outreach, frontliner o iba pang gawaing pangkawanggawa. Kailangan lang na ito ay may dokumentong nagpapatunay at napirmahan ng organizer o kung sinumang may autoridad sa gawaing iyon.)
  • Membership in Professional/Government Organizations
  • Publications
    Isama ang lahat ng katibayan o katunayang mga dokumento.

Application Procedure:

  1. Punan ang application form.
  2. Maghanada ng detalyadong resume o CV kasama ng isang cover Letter of Intent. Banggitin din dito ang nais i-enroll ng aplikante. May sample tayong introductory letter dito na pwede ninyong i-download. Mayroon din dito na gawa sa MS Word na pwede ninyong i-edit na lang.
  3. Maghanada ng Detailed Functions and Responsibilities (DFR) o Service Record na pipirmahan ng amo ng aplikante.
  4. Maghanda ng Detailed Functions and Responsibilities (DFR) o Service Record na pipirmahan ng dating amo ng aplikante kung mayroon.
  5. Samahan din ang number 3 at 4 ng mga Employment Certificate.
  6. Ihanda ang iba pang dokumento tulad ng birth certificate na galing sa NSO, Diploma at Original Transcripts of Record ng natapos ng aplikante.
  7. Ihanda ang lahat ng Certificate of Training o mga seminar na nadaluhan ng aplikante. Isama na din ang mga parangal (awards) na natanggap sa ibat-ibang larangan.
  8. Kung mayroon ay ihanda ang mga dockumento at mga larawan ng mga proyekto na nagawa ninyo ito man ay technical, digital o mga publication.
  9. Kung may mga dokumento ng mga organisasyon at mga institution na kasapi kayo na doon ay may karanasan din kayo sa larangan o kasanayan na kung saan nais ninyong mag-enroll ay pwede rin ninyo itong isama.
  10. Para sa pag-aaplay sa online, i-scan ninyo ang lahat ng dokumento na nabanggit na at ipadala ito sa email ng adminstrator ng HEI kung saan nais ninyong mag-enroll.

Kapag na-submit na ang mga nasabing mga dokumento ay isasailalim ang aplikante sa sumusunod:

– Pre-Interview/Pre-Assessment (Ito yung pagsusuri sa mga dokumentong isinumite ng aplikante.)
– Schedule of Psychological Test
(Bibigyan ng HEI ang aplikante ng tagubilin kung paano ito gagawin)
– Panel Interview
(Bibigyan ng HEI ang aplikante ng tagubilin kung paano ito gagawin)

Pagkatapos nito ang ETEEAP coordinator o sinumang inatasan niya ay magbibigay ng kasagutan sa aplikante kung ito ay kuwalipikado. Malalaman din ng aplikante kung ano ang mga asignatura/subjects at units/credits ang nabigyan ng CLC, at kung ano pa ang kailangan niyang i-enroll. Dito na rin niya malalaman kung magkano ang kailangan niyang bayaran.

Ang pag-eenroll sa ETEEAP sa karamihan ng mga HEI ay araw-araw kaya hindi kailangang sundan ng mga estudyante ang karaniwang timetable na ginagamit sa regular na mga klase. Ang pag-aaral ng mga estudyante ng ETEEAP ay tinatawag na asynchronous. Lahat ng mga asignatura at mga kahilingan (requirements) ay dadaluhan at tatapusin ng estudyante sa pamamagitan ng online learning na hindi kailangang sumabay sa iba pang mga estudyante.

Ang sumusunod ay isang mahalagang kahilingan (requirement): 

Para sa mga nais mag-enroll ng Masters o Doctors degree, ang college o university kung saan nagtapos ang aplikante ng kanyang bachelors o masters degree na kasama sa isinumite niya ay kailangang magpadala ng kopya ng Official Transcript of Record (OTR) sa HEI kung saan mag-eenroll ang aplikante. Kasama na din dito ang ilang komento nila tungkol sa aplikante.

Enrollment Procedure:

Kapag ang school ay nag-abiso na sa aplikante na siya ay kuwalipikadong mag-enroll, ibibigay na rin sa kanya ang mga subject sa pinili niyang degree na hindi nabigyan ng Classroom Learning Credits (CLCs). Ito ang kinakailangan niyang i-enroll. Ipapaalam na rin sa kanya kung ano ang mga bayarin niya at kung paano niya babayaran ito. Bibigyan din siya ng karagdagang mga tagubilin kung ano pang mga hakbang ang kanyang gagawin upang makompleto ang kanyang pag-eenroll.

Fees and Costs:

Ang mga bayarin o fees ay malalaman lamang pagkatpaos ng evaluation ng mga isinumiteng mga dokumento ng aplikante. Walang tiyak na kasagutan ang katanungan ng karamihan na “Magkano?”. Ngunit pwedeng tantiyahin ito kung alam natin ang tuition per unit sa HEI at kung ilang unit ang pwedeng i-enroll sa isang semester ng mga regular na estudyante nila. Pagkatapos ay idagdag natin ang iba pang mga fee katulad ng enrollment at iba pang mga miscellaneous fee.

Para matantiya ang gagastusin ng isang estudyante ng ETEEAP hanggang sa matapos siya gamit ang impormasyon para sa regular ng mga estudyante, karamihan sa mga kumukuha ng bachelors degree ay natatapos nila ito sa isa hanggang dalawang semester. Ang mga kumukuha naman ng Masters dergree ay natatapos sa dalawa hanggang tatlong semester. Kadalasan na hindi isang bayaran ang buong semester kundi nahahati ito sa tatlo o apat na bayaran. Ngunit may mga school na nagbibigay ng discount sa mga nagbabayad nang minsanan.

Sa mga online na transaction ay ipapadala ang bayad sa pamamagitan ng bank transfer o iba pang online na paraan.

May halimbawa tayo sa article na ito kung gusto ninyong tingnan:
Magkano ang ETEEAP?

Confirmation of Enrollment:

Kapag natanggap na ng school ang unang bayad, mapapadala ng email ito sa aplikante kasama na ang official receipt. Ipapaalam din sa kanila na hintayin nila ang imbitasyon ng kanilang mga propesor na mag-join sa kanilang online class.

Start of Classes:

Ang mga klase sa ETEEAP ay hindi katulad ng traditional na sistema na ginagamit ng mga regular na mga estudyante. Ang pag-aaral dito ay tinatawag na asynchronous. Nangangahulgan ito na kung mas marami ang panahon ang isang estudyante na tapusin ang mga homework at iba pang requirement niya ay mas maaga siyang grumaduate.

Mode of Lesson Delivery:

Karamihan sa mga deputized HEI ay online ang transaction lalo na ngayong Covid-19 Pandemic. Gumagamit sila nga ibat-ibang online learning tools na madaling mahanap sa Internet. Ang iba naman ay gumawa na rin ng sariling mga online teaching tools. Dahil dito ay madali na lang mag-aral ang mga estudyante. Ang kailangan lang ay isang computer at connection sa Interent.

—————–

Ang page na ito ay laging ina-update dahil sa mga pagbabago sa mga kaayusan sa ETEEAP at ng CHED. Ang mga pagbabagong ito ay para makaalinsabay sa pang-globong pangkalahatang sistema ng edukasyon at para na rin magiging maayos ang daloy ng pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng Covid-19 pandemic. Pwede kayong magpadala ng inyong mga karanasan sa pag-aaral sa ETEEAP upang maidagdag natin dito para na rin sa kapakinabangan ng iba pang mga kasalukuyang nag-aaral at gusto pang mag-aral.

Maraming salamat.


Para sa iba pang mga katanungan ninyo tungkol sa ETEEAP, maari niyo ring tingnan ang mga link na ito.

Ano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.

Sino ang pwedeng mag-apply at mag-enroll sa ETEEAP?
Masasagot iyan sa Sino ang pwede sa ETEEAP?

Paano mag-apply sa ETEEAP? Pali-click ito para sa kasagutan.

Share this page

41 thoughts on “Paano Mag-apply sa ETEEAP?

  1. Abraham E. Manaoat says:

    Hi.,good day po sa lahat , inquire po sana ako kung pwd online class ang Bacherlor of Technology Major in Refrigeration and Air Conditioning Eng’g Technology. I am only a high school graduate, nag college din po pero hnd po kinaya, I am currently working here in middle east as Heating Ventilating Air Conditioning Technician for almost 6years up to present for this positin excluding my 4years previous work experienced which is very close related in my current field.kindly send me a mail for the details of your eng’g program. Thanks

    1. Hello sir. First of all we are not HEI, and not even a school. This is just an information website where we feature this government program. But as regards your concerns here are the answers.

      1) You are already eligible to take up an engineering degree as you already started college many years ago before the K-12 system was adopted.

      2) Your 4 years previous and 6 years current work experiences in the same field qualify you to apply for ETEEAP at any deputized HEI that offers related engineering degrees. You can find the list on this link: https://eteeap.org/dhei/

      3) Halos lahat ng mga HEI ay online ang pag-aaral sa ETEEAP dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit ito inilunsad ng pamahalaan. Requiring the students to attend their classes on campus defeats the purpose of the program. This being said, the location of the school where you want to enroll does not matter. Ang mga school na mabilis sumagot sa mga inquiry, mabilis mag-process ng mga application at maayos ang delivery ng mga lessons at pakikipag-ugnayan sa mga estudyante nila ang siyang ipa-patronize ng mga nais mag-aaply sa ETEEAP, at siyempre mga estuyante din ang magrerekomenda sa mga maayos na HEI.

      Maraming salamat po.

  2. Lee Gualberto says:

    I love this program. May mga similar program rin na ganito sa ibang bansa. It removes redundancy and pedantic learning. Sobrang nakakatulong ito. I hope that people will become more open minded about this. Hope this becomes widely accepted to our country. God bless you.

    1. Thank you sir for your positive remark on this program. Yes, it helped a lot of OFWs and other Filipinos who had to forgo their college studies because of unavoidable circumstances and other factors. We actually helped one college in the US set-up their own version of this and had benefited career seekers worldwide while on their job assignments. The only thing needed from the deputized institutions (HEIs) is their agility to adjust and adapt to the fast-moving changes that are taking place as well as their quick reply to inquiries and other concerns of their students and applicants.

      1. mary jane cardenas says:

        hi pwede po b malaman lung anong tawag ng ganitong program dito s US? maraming salamat!

        1. May isang college sa Florida na nag-adapt ng ETEEAP natin sa Pilipinas. Ang pangalan ng program ay HESEAP. Narito ang link sa website nila:

          https://usilacs.org/

    2. Hello po. Pano po ang mga undergraduate, need padin po ba ng TOR?

    1. Hello there,

      We are working on our IT services that will be launched soon for these issues.

  3. Good day
    Qualified ba ako if I have years working experience pero sa ibat ibang company naman ito like 3years service crew s fast food chain
    , 6months Warehouse helper s Bench,and almost 1 yr .working experience as sales associate s phil.seven corp..as of now sa bahay lng ako with an online business for 5 years already network marketing.
    Undergrad ako ng 2years hindi ko n natapos.gusto ko Sana makatapos.72units long Meron ako.

    1. Yes, that is what the word aggregate means. If all those work experiences are related they can be included in the list of your credentials. Just be sure that you have documents to prove them like detailed job descriptions certified by your employer.

  4. Hi! I accidentally found this website and sobrang laking tulong nito. may mga tanong lang po if ok lang. Qualified din kaya ung job ko kapag nag 5 years na? Part ako ng BPO or mas tawag ng iba na call center . Currently nasa Telco acct ako (Sprint Account) and mag 5 years na ako this year. customer care service ako and nag hahandle ako ng bill, network, services and troubleshooting ng mga phones. parang pldt lang din kaso sa US sya. tyaka ano po kaya mga possible courses sa ganito? last na pong question may exemption po kaya sa age since 23 palang ako. thank you so much po 🙂

    1. Hello sa inyo,

      Ang qualified age ngayon ay 25. Dati ay 23 years old noong 4 years pa lang ang high school sa Pilipinas. Ito ay dahil sa K-12 program. Pwede kayong ma-qualify sa kahit anong degree na related sa business or IT.

      Salamat po.

  5. Somebody essentially help to make critically articles I’d state. This is the first time I frequented your web page and so far? I amazed with the analysis you made to make this actual post incredible. Excellent task!

  6. Salvy Gangano says:

    Hello po, magandang araw. Itatanong ko lang po sana if pwede ako na house wife at natigil sa pag aaral dahil sa kawalan ng pera noon. Pero kaya naman na pong mag aral ngayon.

    1. Hello. Pwede po kayong mag-aral uli. Pero kailangan ng credentials para ma-approve sa ETEEAP. Kung hindi naman ay sa regular program ng mga university na nag-aalok ng online college degree. Ang AMAOU ay isa na rito. Ang CLSU din ay may open university sila.

  7. Bernie Lozano says:

    Ano po ang mga requirements para sa nag apply na OFW. Thanks

    1. Hello,

      Pareho lang ang mga requirement sa mga OFW at mga nasa Pilipinas. Kontakin ninyo ang mga school na nag-aalok ng degree na nais ninyong i-enroll.

      Nandito ang listahan: https://eteeap.org/dhei/

  8. john fritz says:

    Good day
    Qualified po ba ako to take ETEEAP graduate po ako ng electrical tech course 4years po at may tig 1yr experience sa isang company. 22 yr old po. Electrical Engineering po ang itake?
    Salamat po 😊

    1. Hello,

      25 years old or above with 5 years experience in the field you want to enroll. Either single employee or aggregate.

      1. john fritz says:

        Hello po mga ilan years pa po kaya ng pagaaral kung mag ETEEAP ako? online po ba ito o face to face classes po? Salamat po

  9. You could certainly see your enthusiasm within the work you
    write. The sector hopes for even more passionate writers like you
    who are not afraid to say how they believe. At all times go after your heart.

  10. Hello admin,

    Una po sa lahat, maraming salamat po dito at sobrang informative. One quick question lang po – dati po akong OFW (since 2010) pero nawalan po ako ng trabaho last year (July 2021) at nandito na po sa Pilipinas – paano po kaya yung DFR, pwede kaya kahit wala nang pirma pero merong certificate of employment? Maraming salamat po ulit!

    1. Hello,

      Kailangan pong ma-verify yung DFR. Baka pwedeng kontakin nyo sila. Minsan ay nakakatulong kung kayo na ang gumawa ng DFR at i-email na lang sa kanila para ilagay sa letterhead ng company at pirmahan nila saka i-scan at i-email sa inyo bago nila ipadala sa post office. Try niyo din na isubmit yung COE sa school kung i-accept nila na naka-attach ang CV ninyo. Pag hiningan kayo ng DFR ay saka ninyo kontakin yung former employer ninyo.

  11. RENATO AGUANTA says:

    Maraming Salamat po Admin,sa wakas natagpuan ko na ang matagal ko nag hinahanap,at sa impormasyong ito ay nabuo muli ang inaasam-asam na pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.

    I bsalute you Admin.

  12. Jezzlyne Lara Juquial says:

    Hi Admin, just found this on your website

    “Ang edad ng mga pwedeng mag-apply dito ay 23 o pataas. Ang age requirement na ito ay nag-umpisa noong inilunsad ang K-12 system sa Pilipinas bilang pagsunod sa International Education Standard.”

    I’m confused po at it says na you should be 25years old above

    Thank you.

  13. Edward Dueñas says:

    Hi. Good Day po Admin.
    I am a 2 years college Grad. po ng I.T and may 4 years teaching experience po sa vocational education under I.C.T sector. pasok po kaya ako sa B.S Educ major in T.L.E? and by this coming year po 5 years kuna sa teaching field need ko po bang hintayin for me to proceed sa enrollment?

  14. Question po. If I am already a business degree holder and would like to pursue nursing, but my work experiences are all business related for more or less than six years, can I still avail this program? Or at least avail a masters degree instead?

    1. ETEEAP is 5-year-work-related evaluation program so you cannot avail of nursing under ETEEAP, but yes on regular programs. If you want to take masters, it should also be vertically aligned.

  15. Relyn Jonelas says:

    Good evening po. Isa po akong ofw dito s Singapore. Gusto ko po sana mag apply paano po ba. At saan ipasa mga requirements? Thank . I’m a LET passer way back 2004.

    1. If you are a LET passer then you already have a degree.

  16. VERONICA OBAT says:

    Hi, good day. Thank you for the gift of technology, I found this site. I just want to ask if I’m still qualified as I am already 52 years old. Currently enrolled in my 2nd semester in the College of Education in a school here at my place. I did not know that there is a program like this , am I still qualified ?

  17. Hi Good day! Bali 12 yrs working nako under Logistic Industry and I’m a Logistic Manager now. Undergraduate ako nng Computer Science at gusto kong makatapos nng college sa course na Business Administration. Ano po ang mga kaylanga need ko pa po ba tumawag sa CHED or direct nako sa school na nag aalok nng ETEEAP. and lastly online class po ba lahat at gano katagal ang ito. salamat

  18. May update na po ba if open na ung BSN or still naka freeze pa din po?

    1. You can inquire directly with the schools that offer nursing degree in the list of ETEEAP schools.

Comments are closed.