ETEEAP Enquiry Guide
Para sa mga nais mag-inquire, pakisundan ang format na ito para magabayan namin kayo sa tamang landas (kasama na ang mga anonymous posts/enquiries sa Facebook group at page). At pakatandaan na ang ETEEAP ay nag-a-award ng degree na naaayon sa inyong work experiences.
Mga impormasyon na kailangan sa pag-enquire:
- Work experience (At least 5 years straight or aggregate in the same field). Makakatulong ang impormasyon sa link na ito: Sino and Pwede sa ETEEAP
- Other work experiences. Kahit yung nakaraang trabaho ninyo.
- Education level na natapos.
- Your age (optional if you are above 23)
- Preferred degree (If relevant to work experience. If you are in the BPO or factory and you want to take up nursing, it is not relevant.)
- Gumawa kayo ng CV ninyo. May sample tayo sa link na ito: Sample Documents
- Humanap ng school na may offer sa degree na akma sa inyong trabaho. May link sa listahan ng mga school sa ibaba.
- Itanong sa ETEEAP admin ng school na napili ninyo kung paano ninyo maipadala ang mga requirement ninyo para kayo ay ma-evaluate.
Nandito ang link sa listahan ng mga deputized school ng CHED (ETEEAP DHEIs). May naidagdag pa mula noong January 2023 pero hindi pa na-update ng CHED.
Another important point: Karamihang ETEEAP schools ngayon ay hindi face to face. Either online or modular sila, o kaya ay hybrid online-modular. Ito ay para sa mga OFW na magkakaiba ang time zones at hindi rin makauwi para mag-aral, o hindi rin convenient para sa online synchronous learning. Kaya hindi kailangang sa inyong lugar ang school na hanapin ninyo.
Please take note on the following questions that we cannot answer:
1) Tuition and fee schedules unless the school is in our featured institutions.
2) Learning and transaction procedures.
3) Enrollment schedules.
Yung mga school ang makakasagot niyan.
Para maiwasan din ang hindi kinakailangan na extrang trabaho ng mga evaluator sa school ay pakitingnan ninyo ang self-evaluation guide sa ibaba. Ito ay para hindi masayang ang kanilang oras sa pag-evaluate sa mga document na hindi relevant sa mga offerded degree nila.
How to self-evaluate
Mga karaniwang tanong ng mga aplikante sa ETEEAP:
– Pwede bang mamili ng degree?
– Anong degree ang akma sa akin?
– Paano kung undergraduate ako ng isang degree?
Pwedeng ba akong mamili ng degree?
– Hindi, kung iisang field ang work experience at 5 years lang. Ito ay kapit sa mga less than 30 years old.
– Oo, kung may dalawa o tatlong field ka na work experience at tig-limang taon ang bawat isa. Ibig sabihin ay 10 to 15 years ka nang nagtatrabaho, at ang iyong edad ay nasa pagitan ng 33 at 40 (o mas matanda pa).
Halimbawa:
Undergraduate ka ng nursing. Nagtrabaho ka ng 15 years sa mga field na ito:
1) Electronics components/semiconductor (5 years)
2) Service crew, cook at cashier ng isang restaurant (5 years)
3) Pina-manage sa iyo ng tiyuhin mo ang isang branch ng grocery store nila (5 years)
Tanong: Pwede mo bang ituloy yung nursing mo sa ETEEAP?
Sagot: Hindi
Anong mga degree ang pwede sa iyo? Doon sa mga experience field sa itaas ito ang mga katapat.
1) BIT Electronics major
2) BIT Food Service Management major
3) BSBA
Dito ngayon papasok ang pwedeng makadalawang degree ang isang aplikante sa ETEEAP.
Nandito ang mga sample document na pwedeng magamit sa inyong pag-apply sa ETEEAP.
Sample application letter – Click/Tap here
Sample CV – Click/Tap here
Sample COE – Click/Tap here
Sample DFR – Click/Tap here
Application Form – Click/Tap here
Three Simple Steps to Your Degree
CHED CMO 29 Series of 2021
This contains all the guidelines in implementing ETEEAP along with all the procedures that should be followed by deputized schools and applicants. Please click/tap on the image to see the complete content of the CMO.
Para naman doon sa gustong mag-inquire ng mga authorized na school ng CHED, o tinatawag na ETEEAP CHED-Deputized Higher Education Institutions (CHED-DHEI), paki-tingnan ninyo ang link na ito: