Original post source: Facebook ETEEAP community
Original post link: https://www.facebook.com/share/p/1BnpfXVADq/
Guest author (Facebook Account name): Myy Quitoras
Hello po! I just want to share my journey in taking ETEEAP hoping that this would be helpful sa mga aspirant students. Long post ahead but I am sure po maraming common question ang masasagot sa post na to.
Last year po, I saw video sa tiktok about a content creator na nakatapos via ETEEAP and that video gave me knowledge about the program. I became interested since gusto ko din makaearn ng degree. Then I came across this group. Nagbabasa lang po ko dito and hindi man po ko nagpopost on what to do. Ginamit ko po yung posts ng members dito as an inspiration and guide what to do. I made my own research and October, finally enrolled nako and I recently applied na for graduation. Thank you, Lord!
Nag enroll poko sa PUP. I know common question po is magkano tuition? Gano katagal, anong course ang perfect fit for you, enrollment process and I would answer them on this post based on my experience from PUP
TUITION
- Ang tuition po ay depende sa ilang units na itetake nyo. Regardless po kung anong course.
- Ang units na itetake nyo naman po ay depende sa evaluation ng ETEEAP department ng school and they would rely po sa ipoprovide nyong documents.
Kaya wala po kayong makukuhang definite na sagot aside sa 1600 per unit and 100 accreditation fee per accredited subject. Di po ko sure if may accreditation fee din sa ibang school pero sa PUP po, meron.
EXAMPLE:
If they require you to take 11 subjects to graduate tas 3 units each subject, that means po ang Tuition nyo ay papatak ng 52800 (11 × 3 × 1600). Tuition palang po yan and depende sayo if hahatiin mo pa ng dalawang sem yan or isa nalang pero yan na yung total ng Tuition mo for the 11 subject.
Yung bilang ng subject na need mo itake ay malalaman mo lang after ng evaluation. Choice mo if ilang sem mo hahati hatiin yun basta ang computation ay number of subjects x 3 × 1600
Ibig sabihin if 11 subject ang need mo itake para grumaduate tas 5 subject lang gusto mong take ng 1st sem ibig sabihin ang tuition mo ay 5 × 3× 1600 at ang 2nd sem mo ay 6 × 3 × 1600. Pero pag gusto mo isang sem lang 11 x 3 x 1600 ang computation nya.
OTHER PAYABLES TO EXPECT
- May onting miscellaneous fee pa po aside from Tuition.
- Pag po gagraduate na kayo, don po nila ipapasettle yung Accreditation fee na 100 pesos per subject. Ang basis po neto is kung ilang subject yung buong course nyo sa regular curriculum. Kunyari 12 subject per sem tas pag 4 years yung course nyo, 12 × 2 ( since 2 sem per year) × 4 (ilang years yung course), ibig sabihin yung course nyo ay may required 96 subjects para matapos. Pag pinatake kayo ng 11 subjects, ibig sabihin po ay may 85 subjects na nacredit po sa inyo. Times nyo po ng 100 and accreditation fee ay 8500. Again, eto po ay babayaran lang pag natapos na lahat ng required subjects na pinapatake.
- Graduation Fee (Update ko po to if meron nako details)
- Graduation Picture (Personal expense and not mandatory) – Di po to provided ng school
ANONG COURSE ANG DAPAT SAKIN?
For this question, nakadepende po yan sa profession nyo. Kunyari po nasa Finance kayo or Sales or Business related fields, pasok po yan sa BSBA Marketing. Pag naman po nasa supervisory or manager role, BSBA Human Resource Management or Operations Management po pwede nyong itake. Again, depende po to sa profession nyo. If nasa healthcare kayo, healthcare related course po ang pwede nyo itake.
Ako po ay Supervisor sa BPO at ang course na pinatake sakin ay BSBA Human Resource. Initially, nag apply ako ng BSBA Marketing since yun ang usual kong nakikita dito sa pag galing BPO pero since hindi ako customer phasing, walang sales sa current role ko at humahawak nako ng mga tao, they told me BSBA HRM is a better option.
Depende po sa inyo if want nyo ituloy yung una nyong choice. Yung sakin po 33 subjects pinapatake nila sa BSBA Marketing pero nung reassessment, 11 nalang if papalitan ko major ko Human Resource Management. Yes po! Pwede kayo magpareassessment/Reevaluate in case sofer dami ng hindi nacredit na subject. This means hindi ganong perfect fit yung course na kinukuha nyo sa profession nyo. You can always ask for their recommendation.
For courses they offer, pls visit this link. https://www.pup.edu.ph/ous/ine/eteeap
You can also check the links shared on this group anong mga school yung nagooffer ng related sa current roles nyo.
SAANG SCHOOL PWEDE MAG APPLY NA MODULAR?
- Sa PUP po 100% modular po. Sa email lang po namin nakakausap ang prof.
- Magreach out po kayo sa school na gusto nyo enrollan or tap your Google friend.
PAANO MAG ENROLL?
- Alam ko po na madalas satin ay sa email nagmemessage and madalas po ay matagal talaga sila magrespond if sa email. For ofw, if may kakilala kayo or kamag anak na pwede pakisuyuan na pumunta sa school na gusto nyo, mas better.
- If di talaga feasible yung unang option, tumawag po kayo sa school. If problem nyo po na wala kayong telephone and telephone number lang meron sa school, highly recommended magload po kayo sa SMART sim and register ng Magic Calls 199. May 150 mins na po tong call sa landline numbers.
As for me, nagvisit poko sa PUP personally. May mga dala na po kong requirements non pero since kulang pa, bumalik pako ulit. Pagbalik ko po, nakapag enroll nako.
Again, okay lang naman sa email pero if gusto nyo talaga ng mabilis, physical appearance or call po sa school mismo for requirements and enrollment inquiry.
ANO PO BA ANG REQUIREMENTS
Iba iba po ang requirements per school pero ang eligibility po ay dapat 5 years ang work experience nyo. Might as well check ang website ng school na gusto nyong pag enrollan sa requirements.
NEED BA NOTARIZED ANG REQUIREMENTS?
Iba iba po. May schools na required at may schools na hindi naman. Again, check ang website ng school na gusto nyong pag enrollan sa requirements.
GANO BA KATAGAL PARA GRUMADUATE
Eto po ay nakadepende sa tatlong bagay.
- Una ay sa dami ng subject na need nyong itake. If nasa 10-12 lang, kaya po yan ng isang sem. If more than that, baka po abutin kayo ng 2 sem.
- Pangalawa, depende sa oras na kaya nyong ilaan sa pag aaral. Minsan po kahit na pang isang sem lang yung subject count, if hindi po kaya ng oras nyo na tapusin sya para sa application of graduation sa sem na yun, pwedeng maextend ang pagtetake.
- Pangatlo, Date of Enrollment. Kagaya po sa PUP, nag enroll po ko ng October and pinatake po ko ng 11 subjects. If natapos ko po yun bago February (deadline ng submission ng requirements sa mga subject), makakagraduate poko ng March. And since hindi ko po natapos lahat, ngayon palang ako nakapag apply ako ng for graduation.
Again, depende po. May mabilis, may matagal. May 6 months or less tapos na. May inaabot ng 1 and half year. And that all depends sa tatlong namention ko sa taas.
If umabot ka hanggang dulo, I hope nasagot ko na po yung usual nyong ask.
Original post source: Facebook ETEEAP community
Original post link: https://www.facebook.com/share/p/1BnpfXVADq/
Author (Facebook Account name): Myy Quitoras
For more interactive discussions, please visit or Facebook community in this link:
https://www.facebook.com/groups/eteeap.org