Ito ang sagot sa mga tanong na ito.
- Gaano katagal ang pag-aaral sa ETEEAP?
- Pwede bang matapos in less than 6 months kasi may nag-post na pwede daw?
- Pwede bang makuha agad ang diploma at TOR/OTR?
Para makaiwas sa mga kuwentong barbero at kutchero tungkol sa ETEEAP at makaiwas din sa mga scammer, ito ang importanteng detalye na tandaan ninyo.
Ang ETEEAP ang program at sistema ng edukasyon sa Pilipinas na pinakamabilis matapos basta qualified ang applicant. Kung may nag-aalok ng degree na mas maikli pa ang panahon na gugugulin para matapos ito kaysa sa ETEEAP ay siguradong hindi yan legitimate, at kahit makalusot pa yan sa mga accrediting institution sa Pilipinas (local verification and accreditation) o sa ibang bansa man (international verification and accreditation) ay mabibisto at mabibisto din yan. Wala ding kapayapaan sa isip ng isa na nakakuha ng degree sa ganyang paraan dahil katumbas din lang yan ng nakuha sa Recto, yun nga lang ay inendorso ng isang legitimate na HEI kaya masasabi natin na upgraded na system ng “Degree Mill”.
May apat na stage ang ETEEAP.
- Stage 1: Application – Submission of all credentials for evaluation. It takes about one week (one day if you walk in at the right time) to three months. Sometimes one year after many follow ups.
- Stage 2: Enrollment and attending classes – Kasama ang face to face na classes (kung mayroon at required), online virtual classes, completing modules, thesis (or the equivalent), final exams and completion requirements settling of all fees. Ito ay magtatagal mula 4 hanggang 6 na buwan mula enrollment. Yung iba ay 1 year depende sa sipag, determinasyon at availability ng oras ng estudyante. Ang minimum standard residency period sa ETEEAP (ibig sabihin ay mula sa enrollment hanggang sa matapos ang lahat ng requirements) ay six months, at ang maximum ay 2 years.
Ang isang example ng residency ay ang AMAOU na 50 days ang minimum at 98 days ang maximum. Kahit natapos mo lahat ng subject mo sa semester na yun in 30 days ay hindi ka pa makakapag-enroll sa susunod na semester hanggang hindi matapos ang 50 days. Kapag lumagpas naman ang 98 days na maximum ay kailangan mong mag-reenroll na panibagong bayad o mag-request ng extension na may bayad din.
Sa ETEEAP ay pareho din. Kahit natapos mo pa lahat in less than 6 months ay maghintay kang makompleto yung 6 months bago mag-apply para sa graduation. Kapag hindi pa nakatapos sa loob ng 2 years ay mag-reenroll din at baka kailangan din na ma re-evaluate. - Stage 3: Graduation. It will take about 3 to 6 months of waiting after applying for graduation from completing stage 2 or after the end of the residency period, whichever comes last.
- For private schools, dadaan muna sa CHED ang lahat ng credentials ninyo for approval na maka-graduate. This process takes between 3 and 6 months.
- Para naman sa mga SUC’s, ang Board of Regents (BOR) ang kikilatis at mag-approve ng graduation ninyo. This process takes between 3 and 6 months.
- Stage 4: Processing and releasing of diploma and TOR. After graduation, it will take between 3 months and 1 year to receive your legal documents.
Summary. Mula submission of requirements to graduation, ang pinaka-mabilis ay 1 year. Hindi pa kasama diyan ang releasing ng diploma at TOR/OTR na kadalasan ay maghihintay pa ng tatlong buwan hanggang isang taon..
Para makaiwas sa scam, huwag kayong maniwala sa nagsasabing 6 months mula enrollment ay ga-graduate ka na lalo na kung sasabihin na tutulungan ka (kuno) pero may service fee (na minsan ay 10k pataas). Ang mga nag-post na 6 months lang na natapos lahat ay hindi kompleto ang kuwento nila. Baka ang sinasabi lang nila ay ang actual na pag-aaral nila pero hindi kasama ang evaluation, enrollment at application para sa graduation kung gaano nila katagal hinintay yun.
Kung may school naman na nakapagpa-graduate ng mga ETEEAP students nila sa loob lang ng 6 months ay magduda na kayo kung legit ang implementation nila ng ETEEAP. Kahit hindi yan ETEEAP (na minsan tinatawag na “parang ETEEAP din pero hindi ETEEAP” ay walang ganyan na program) ay mas lalong hindi yan matatapos ng mas maikli sa dalawang taon. Kung makalusot man sa mga international accreditation yan ay malalaman at malalaman din. Habang tumatagal na hawak ng isa ang hindi totoong document ay lumalaki ang kanyang accountability at lumalaki ang kahihiyan na darating sa kanya.
Para sa sagot ng mga sumusunod na tanong, pwede ninyong i-tap o i-click ang mga link sa ilalim nila:
Ano ang mga requirement sa ETEEAP?
https://eteeap.org/sino
Ano ang ETEEAP? (Kompletong information tungkol sa ETEEAP)
https://eteeap.org/ano
Paano mag-apply?
https://eteeap.org/paano
Anong program o degree ang pwede sa akin?
https://eteeap.org/seg
Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.