December 04, 2024
ETEEAP Fees
Documents Preparation Assistance
PSU Portfolio Preparation, Printing and Shipping Assistance
Featured Schools-MSEUF
Featured Schools in Mindanao
Graduate Degrees
ETEEAP Quick Enrollment Guide
BInd-Tech
Featured School-University of Baguio
CNN Interview
ETEEAP
Philippines
2023
Feb
16

ETEEAP Learning Systems

Share this page

Ano ang pagkakaiba ng online, modular at hybrid systems?

May apat na sistema na sinusunod ng mga education institution sa pag-deliver ng kanilang lesson at pakikipag-transaction sa kanilang mga kliente at estudyante. 

1) Face to face o inperson (F2F or IP)
– Pupunta ang estudyante sa school at doon mismo mag-aral kasabay ng iba pang mga estudyante. Ito ay tinatawag na SYNCHRONOUS LEARNING.

2) Online
– Hindi pupunta sa school ang estudyante ngunit mag-aaral din ito kasabay ng iba sa pamamagitan ng mga online learning tools tulad ng Zoom, Google Meet at Clasroom, Messenger at iba pang virtual conference tools. Synchronous learning din ito.

3) Modular
– Hindi pupunta sa school o sa online ang estudyante kundi matatanggap niya ang mga lesson niya sa door to door delivery, email o sa school portal at gagawin niya sa sariling schedule ang pag-aaral saka niya i-submit ang mga assignment niya sa pareho ding paraan ng pag-deliver sa kanya. Ito ay tinatawag na ASYNCHRONOUS LEARNING.

4) Hybrid
– Ito ay anumang combination ng number 1, 2 at 3. Mayroong hybrid online-modular (HOM) at hybrid inperson-modular (HIM) o hybrid face-to-face and modular.

SYNCHRONOUS LEARNING – Sabay-sabay na mag-aral ang mga estudyante sa loob ng classroom o iba pang bahagi ng school campus, o sa pamamagitan ng mga virtual conference tools tulad ng Zoom, Google Meet, at Messenger.

ASYNCHRONOUS LEARNING – Hindi sabay-sabay ang pag-aaral at tatapusin ng estudyante ang mga assignment niya sa module na ipapadala sa kanya, sa pag log-in sa school portal o LMS, o sa Google Classroom ng school.

Binigyan ng instruction ng CHED ang mga ETEEAP school na gamitin ang ibat-ibang sistemang ito sa kanilang CMO#29-S2021 (pwedeng tingnan sa link na ito) para matulungan ang mga nagtatrabahong gustong mag-aral kahit nasa abroad sila at nasa ibat-ibang time zones.

Narito ang isang video na nagpapaliwanag sa mga impormasyong ito.

Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.

Please go to this link for your questions.

Share this page