November 10, 2024
ETEEAP Fees
Documents Preparation Assistance
PSU Portfolio Preparation, Printing and Shipping Assistance
Featured Schools-MSEUF
Featured Schools in Mindanao
Graduate Degrees
ETEEAP Quick Enrollment Guide
BInd-Tech
Featured School-University of Baguio
CNN Interview
ETEEAP
Philippines

ALS Graduates

Share this page

Para sa mga nagtapos ng ALS na nais mag-ETEEAP, narito ang isang sample ng ALS graduate na qualified sa ETEEAP at hindi na kailangang mag-senior high school. Tinakpan namin ang pangalan at address ng may-ari ng document pero binigyan kami ng permiso na gamitin ito.

Pansinin ang remark sa ibaba ng overall score. Kung may nakasulat na ganyan na information ay qualified ang applicant na mag-enroll sa ETEEAP. Kung ang nakalagay ay “ELIGIBLE FOR SENIOR HIGH SCHOOL” o “ELIGIBLE FOR SHS” ay hindi pa considered na high school graduate at hindi pa pwedeng mag-apply o mag-enroll sa ETEEAP.

Kung ang nakasulat sa ALS document ay “high school equivalent” at “eligible for tertiary education“, naabot ng aplikante ang isang basic qualification sa ETEEAP.

Para sa iba pang mga enquiry, pakisundan ang procedure na ito.

  • Work experience (At least 5 years straight or aggregate in the same field). Makakatulong ang impormasyon sa link na ito: Sino and Pwede sa ETEEAP
  • Other work experiences. Kahit yung nakaraang trabaho ninyo.
  • Education level na natapos.
  • Your age (optional if you are above 23)
  • Preferred degree (If relevant to work experience. If you are in the BPO or factory and you want to take up nursing, it is not relevant.)
  • Gumawa kayo ng CV ninyo. May sample tayo sa link na ito: Sample Documents
  • Humanap ng school na may offer sa degree na akma sa inyong trabaho. May link sa listahan ng mga school sa ibaba.
  • Itanong sa ETEEAP admin ng school na napili ninyo kung paano ninyo maipadala ang mga requirement ninyo para kayo ay ma-evaluate.
    Nandito ang link sa listahan ng mga deputized school ng CHED (ETEEAP DHEIs). May naidagdag pa mula noong January 2022 pero hindi pa na-update ng CHED.

Another important point: Karamihang ETEEAP schools ngayon ay hindi face to face. Either online or modular sila, o kaya ay hybrid online-modular. Ito ay para sa mga OFW na magkakaiba ang time zones at hindi rin makauwi para mag-aral, o hindi rin convenient para sa online synchronous learning. Kaya hindi kailangang sa inyong lugar ang school na hanapin ninyo.


Three Simple Steps to Your Degree

Sample Documents

Sample application letter – Click/Tap here
Sample CV – Click/Tap here
Sample COE – Click/Tap here
Sample DFR – Click/Tap here
Application Form – Click/Tap here


Para naman doon sa gustong mag-inquire ng mga authorized na school ng CHED, o tinatawag na ETEEAP CHED-Deputized Higher Education Institutions (CHED-DHEI), paki-tingnan ninyo ang link na ito:

Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.

Share this page