December 04, 2024
ETEEAP Fees
Documents Preparation Assistance
PSU Portfolio Preparation, Printing and Shipping Assistance
Featured Schools-MSEUF
Featured Schools in Mindanao
Graduate Degrees
ETEEAP Quick Enrollment Guide
BInd-Tech
Featured School-University of Baguio
CNN Interview
ETEEAP
Philippines
Share this page

Para sa mga factory worker na nais magkaroon ng degree, gusto din namin kayong matulungan kung paano kayo mag-apply sa ETEEAP at kung ano ang inyong ibigay na information kapag kayo ay mag-enquire.

Tulad ng ibang degree, kailangang kompleto din ang impormasyon na ibigay ninyo. Kulang yung sabihin niyong “factory worker”, “all-around” o “production”. Ang ganitong sagot ay walang katapat na degree na pwedeng i-alok ng kahit anong ETEEAP school.

Kaya upang magabayan kayo sa tamang direction, ito ang impormasyon na kailangan ninyong ibigay kapag kayo ay mag-apply, o mag-enquire. Kailangang masagot ninyo nang kompletong impormasyon ang mga tanong na ito.

Ano yung detalyadong trabaho ninyo bilang factory worker?

Kailangang detalyado ang gawain ninyo sa factory sapagkat magkakaibang degree ang katapat ng bawat trabaho. Kahit pa all-around ay siguradong may isa o dalawang “specific function” na mas doon kayo naka-focus.

Nandito ang mga halimbawa ng factory job descriptions na pwedeng ma-evaluate ng ilang school para mabigyan ng degree:

Machine Operator: Ito yung mga pag-isipan ninyo na detalye na pwedeng pagkuhanan ng evaluation points na pwede ninyong isama sa inyong DFR:

  • Anong machine ang hawak mo, ilang machine at gaano mo katagal na ino-operate ang mga yun?
  • Ikaw din ba ang gumagawa ng trouble-shooting pag nagka-aberya?
  • May kasama din bang electrical system yung mga makina na hawak mo?
  • Computerized ba yung mga machine?
  • Ikaw ba ang nag-assemble at nagpapalit ng mge piyesa ng mga makina?

Kung ganito ang mga hawak mo sa factory ay pwede kang makapag-enroll ng Bachelor of Industrial Technology, Mechanical Technology major (BIT-Mechanical). Ang pinakamurang mga school na mayroon niyan ay PSU at DMMMSU.

Puntahan niyo ang link ng PSU dito: PSU ETEEAP Page

Puntahan niyo ang link ng DMMMSU dito: DMMMSU ETEEAP Page


Production (Semiconductor and Electronics): Ito yung mga pag-isipan ninyo na detalye na pwedeng pagkuhanan ng evaluation points na pwede ninyong isama sa inyong DFR:

  • Anong produkto ang ginagawa mo?
  • Aling bahagi sa production ang specific na function mo?
  • Electronics devices at/o semiconductor ba ang products?
  • Anong mga specific na items ang ginagawa ng factory ninyo?
  • Ilang taon mong hawak ang trabahong yan?

Kung ganito ang mga hawak mo sa factory ay pwede kang makapag-enroll ng Bachelor of Industrial Technology, Electronics Technology major (BIT-Electronics). Ang pinakamurang mga school na mayroon niyan ay PSU at DMMMSU.

Puntahan niyo ang link ng PSU dito: PSU ETEEAP Page

Puntahan niyo ang link ng DMMMSU dito: DMMMSU ETEEAP Page


Production (Garments factory): Ito yung mga pag-isipan ninyo na detalye na pwedeng pagkuhanan ng evaluation points na pwede ninyong isama sa inyong DFR:

  • Anong produkto ang ginagawa ninyo?
  • Aling bahagi sa production ang specific na function mo?
  • Anong specific na garment ang ginagawa ninyo?
  • Anong section sa production ang hawak mo?
  • Ilang taon mong hawak ang trabahong yan?

Kung ganito ang trabaho mo sa factory ay pwede kang makapag-enroll ng Bachelor of Industrial Technology, Garments and Fashion Design major (BIT-Garments and Fashion Design). Ang pinakamurang mga school na mayroon niyan ay PSU.

Puntahan niyo ang link ng PSU dito: PSU ETEEAP Page


Office (Staff Admin or Quality Controller): Ito yung mga pag-isipan ninyo na detalye na pwedeng pagkuhanan ng evaluation points na pwede ninyong isama sa inyong DFR:

  • Quality controller ba ang department mo?
  • Pinangangasiwaan mo ba ang HR department?
  • Kasama ba sa trabaho mo ang office supply management?
  • Hawak mo ba ang mga legal aspect ng kompanya?
  • May oversight ka ba sa logistics needs ng kompanya?
  • Ilang taon mong hawak ang trabahong yan?

Kung ganito ang trabaho mo sa factory ay pwede kang makapag-enroll ng Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) o kaya Bachelor of Science in Office Administration (BSOA). May listahan tayo ng mga school na deputized ng CHED para sa BSBA at BSOA dito sa link.

BSBA-BSOA Deputized Institutions.


Yan ay ilan lamang sa mga trabaho sa factory na possibleng ma-evaluate para mabigyan ng degree. Pagkatapos ninyong ibigay ang detalye ng trabaho niyo ay ihuli ninyo ang inyong educational attainment at iba pang mga training certificate at iba pang mga credential ninyo. Kung kakapusin man kayo ng evaluation points ay magbibigay ang school ng advice kung ano pa ang pwede ninyong gawin para ma-kompleto ang kailangan ninyong score para sa enrollment sa ETEEAP.

Isang mahalagang payo na uulitin lang natin: Ang ETEEAP ay work experience based kaya kailangan ninyong maintindihan ang sistemang ito. Hindi kayo pwedeng mamili ng degree na hindi akma sa inyong trabaho. Para sa kompletong impormasyon tungkol dito ay pwede ninyong puntahan ang mga link sa karagdagang impormasyon sa ibaba kung hindi pa ninyo nakikita ang mga ito.

Isa pang mahalagang advice. Sa ETEEAP ay importante ang pagiging attentive sa instruction at palabasa sa ibinibigay na link, infographics o iba pang material. Kapag napansin ng school admin na hindi kayo ganyan baka ibagsak nila kayo. Halimbawa, may ibinigay na infographics o link sa inyo at nagtanong kayo na ang sagot ay nandoon sa kakabigay lang na material, at paulit-ulit na ganyan, magiging problema yan na attitude kapag naka-enroll na kayo. Kaya ang ilang school ay hindi na tinatanggap ang mga aplikante na ganyan.

May iba pa tayong karagdagang impormasyon dito sa ibaba.

Para sa iba pang mga enquiry, pakisundan ang procedure na ito.

  • Work experience (At least 5 years straight or aggregate in the same field). Makakatulong ang impormasyon sa link na ito: Sino and Pwede sa ETEEAP
  • Other work experiences. Kahit yung nakaraang trabaho ninyo.
  • Education level na natapos.
  • Your age (optional if you are above 23)
  • Preferred degree (If relevant to work experience. If you are in the BPO or factory and you want to take up nursing, it is not relevant.)
  • Gumawa kayo ng CV ninyo. May sample tayo sa link na ito: Sample Documents
  • Humanap ng school na may offer sa degree na akma sa inyong trabaho. May link sa listahan ng mga school sa ibaba.
  • Itanong sa ETEEAP admin ng school na napili ninyo kung paano ninyo maipadala ang mga requirement ninyo para kayo ay ma-evaluate.
    Nandito ang link sa listahan ng mga deputized school ng CHED (ETEEAP DHEIs). May naidagdag pa mula noong January 2022 pero hindi pa na-update ng CHED.

Another important point: Karamihang ETEEAP schools ngayon ay hindi face to face. Either online or modular sila, o kaya ay hybrid online-modular. Ito ay para sa mga OFW na magkakaiba ang time zones at hindi rin makauwi para mag-aral, o hindi rin convenient para sa online synchronous learning. Kaya hindi kailangang sa inyong lugar ang school na hanapin ninyo.


Three Simple Steps to Your Degree

Sample Documents

Sample application letter – Click/Tap here
Sample CV – Click/Tap here
Sample COE – Click/Tap here
Sample DFR – Click/Tap here
Application Form – Click/Tap here


Other helpful information

Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.

Share this page