Para sa mga nagtatanong kung libre ba ang ETEEAP, o may libre ba na ETEEAP, ay ito ang sagot. May kompleto din na breakdown ang mga bayarin sa iba’t-ibang school, ito man ay mga private o mga government school.
May comparison din dito sa gastos sa regular program at ETEEAP.
Ang ETEEAP ay pareho din sa regular program. Sa paanong paraan, at anong area?
Tingnan muna natin ang regular program. Ipagpalagay natin na non-technical o non-medical 4-year degree ang inenroll ng isang estudyante.
Ganito ang magiging gastos niya.
- Per unit tuition: Ang average nito ay 1,000.00/unit sa mga private university.
Sa regular program na 4 years X 2 semesters X 24 units ay aabutin ng 192,000.00 pesos.
(1,000 x 24 units x 2 sems x 4 years = 192,000.00) - Assessment fee sa enrollment: Bawat semester ay 1,000.00 x 8 = 8,000.00
- Learning materials fee: 5,000.00 per semester x 8 = 40,000.00
- Graduation fee: 5,000.00 – 10,000.00
- Enrollment fee: 1,000.00 per semester = 8,000.00
- Laboratory fees: 5,000.00 per semester
- Miscellanous fees: 1,000.00 per semester = 8,000.00
- Board and lodging (Or transportation) allowance: 5,000.00 per month x 4 months x 8 semesters = 160,000.00
Total rough estimate for regular program: 466,000.00
Ulitin natin na ito ay non-technical at non-medical degree programs. At may mga ganitong program pa (tulad ng BS tourism at BSHM) na may mga field trip at OJT na umaabot ng mahigit 100,000.00 ang karagdagang gastos sa isang semester maliban sa mga nabanggit na standard o regular fees sa itaas. Kaya dagdagan mo pa ng 200,000.00 at aabot ng 666,000.00
Ang pinagkaiba sa ETEEAP ay ito:
Kakaunti ang ini-enroll ng mga qualified sa ETEEAP dahil ang karamihang subject ay covered na ng mga experience nila sa trabaho at mga informal training nila. Nasa pagitan ng 30 at 50 units na lang ang kailangang i-enroll ng qualified applicant. Tingnan natin ang estimated cost ng mag-aral sa ETEEAP sa mga private at mga government school.
Private Universities and Colleges
Tingnan natin ang isang private school na nasa average na 1,000 per unit ang tuition fee at nasa 30 to 50 units na lang ang kailangang i-enroll para makakuha ng college degree.
- Tuition fee: Depende sa evaluation o assessment ay nasa 30,000.00 – 50,000.00
- Assessment fee: Isa lang ito pero kung aabutin ng 2 semesters ay dalawa din lang – 2,000.00
- ETEEAP Evaluation fee: 25,000.00
- Enrollment fee: Ilagay natin na 2 semesters – 2,000.00
- Miscellaneous fees: Ilagay din natin na 2 semesters – 2,000.00
- Learning materials fee: 5,000.00
- Graduation fee: 5,000.00 – 10,000.00
Rough estimate for private schools ETEEAP candidates: 76,000.00 – 96,000.00
May mga degree na hanggang 150,000.00 kung mga technical ito lalo na kung board degree tulad ng mga engineering program. Ang BSN ay mas mahal pa diyan at may face to face pa kaya dagdag gastos din. Pero suma-total mas mababa pa rin ang kabubuang gastos sa ETEEAP.
State Universities and Colleges
Kumusta naman ang mga state university at SUC na nasa average ang tuition fee. May mga libre ang tuition fee pero yung ibang fees ay hindi. Kunin natin ang isang state university na 250 per unit ang tuition at sundan natin ang example sa itaas na naka-adjust ang mga bayarin. Ang pwedeng kailangang i-enroll dito ay nasa pagitan ng 24 hanggang 50 units.
- Tuition fee: Depende sa evaluation o assessment – 6,000.00 – 12,500.00
- ETEEAP Evaluation and Accreditation fees: 12,000.00
- Assessment fee: free
- Enrollment fee: free
- Modules and learning materials: 2,400.00
- Worksite visit fee: 2,000.00 – 4,000.00
- Graduation fee: Including OTR, records, diploma, etc. – 4,000.00
Rough estimate for state university ETEEAP candidates: 26,400.00 – 34,900.00
Sa mga SUC’s na free ang tuition ay alisin mo yan sa computation at ang total cost ay babagsak sa 22,400.00 maximum. May mga ibang SUC’s pa na mas mababa diyan ang total cost pero mas mahigpit ang requirement at mas mahirap ang pagdadaanan ang applicant.
Kung tingnan natin ang comparison sa itaas ay mas mura ang ETEEAP, mas madaling tapusin at mas convenient para sa mga nagta-trabaho at mga pamilyado na dahil sa online, modular o hybrid na modality, kahit pa sa pinakamahirap at pinakamahigpit ang requirement na mga ETEEAP school.
Pero kung sabihin natin na libre sana pati mga ibang gastusin, winawala natin ang value ng degree natin kasama na ang dignidad natin. Wala ding school na magpa-deputize dahil magsasara sila kung wala silang pampa-sueldo sa mga empleyado nila na gumagawa ng extrang trabaho para sa mga ETEEAP student nila.
For questions and needed clarifications, please go to our comments page here.
Please click/tap here to our comments page.






































