November 19, 2025
PSU Evaluation Procedure
BIT-FSM Details
Expanded DH Assistance for PSU ETEEAP
Aligned Program ng PSU ETEEAP para sa mga DH at Caregiver
PSU ETEEAP DH Aligned Program
PSU ETEEAP DH Assistance
ETEEAP Evaluation Procedure
ETEEAP Documents Preparation Assistance
PSU ETEEAP DH Aligned Program
Protected: PSU ETEEAP DH Assistance
ETEEAP
Philippines
2023
Mar
29

Magkano

Share this page

Ito ang kadalasang itinatanong ng mga intresadong mag-aral sa pamamagitan ng ETEEAP. Walang piho o tiyak na kasagutan sa tanong na ito. Katulad ng nabanggit sa article na “Ano Ang ETEEAP?“, kailangan munang mag-submit ng mga credentials ang isang aplikante para masuri at malaman kung alin sa mga subject at unit ang kinakailangan niyang tapusin at ang pwedeng mabigyan ng CLC.

Kapag natapos ang pagsusuri o evaluation ng mga credentials, mag-aabiso na ang eskuwelahan sa aplikante kung ano ang resulta kasama na rin ang assessment kung saan nakasaad ang mga subject na kailangan pa niyang i-enroll. Masusunod pa rin ang standard na bayarin ng isang regular na estudyante.

Kaya hindi masasagot agad ng mga DHEI ang tanong na “Magkano ang magagasto?” o “Magkano ang tuition?” hanggang hindi naibibigay ng aplikante ang kanyang mga credentials. May kinalaman sa tuition pareho lang din sa bawat unit ikaw man ay ETEEAP o regular student. Kaya ang makakasagot din nito ay ang mga DHEI kung saan nais mag-enroll ang isang estudyante, at kadalasan ay nasa website o Facebook Page nila ang detalye ng impormasyon na ito bagaman hindi nagkakalayo ang presyo sa ibat-ibang eskuwelahan.

Narito ang isang halimbawa ng assesment sa isang DHEI. Ang inaaplayang degree ng estudyante ay Master of Arts in Administration and Supervision (MAAS). Makikita rin ang mga sample na dokumento sa mga link na nasa dulo ng page na ito: https://eteeap.org/bcu/.

Note: Ang sample na assessment form na nasa ibaba ay sadyang tinakpan ang pangalan ng university at estudyante.

Para sa iba pang mga katanungan ninyo tungkol sa ETEEAP, maari niyo ring tingnan ang mga link na nasa ibaba.

Ano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.

Sino ang pwedeng mag-apply at mag-enroll sa ETEEAP?
Masasagot iyan sa “Sino ang pwede sa ETEEAP?

Paano mag-apply sa ETEEAP? Pali-click ito para sa kasagutan.

Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.

Share this page
2023
Mar
29

Ano ang mga Requirement

Share this page

Sino ang pwedeng mag-apply at mag-enroll sa ETEEAP?

Narito ang ilang halimbawa ng mga trabaho ng mga Pilipino na pwedeng gamitin sa pag-apply sa ETEEAP. Pero bago yan ay ito muna ang mga pinakapangunahing requirement.

  • Ang edad ng mga pwedeng mag-apply dito ay 23 o pataas. Ang age requirement na ito ay nag-umpisa noong inilunsad ang K-12 system sa Pilipinas bilang pagsunod sa International Education Standard.
  • Nakapagtapos ng high school sa old curriculum, ALS, o K-12. Kailangan ninyong tingnan ang inyong TOR sa remarks sa ibaba kung ang nakalagay ay Eligible for Tertiary Education o Eligible for College. Kung ang makikita doon ay Eligible for SHS o “Eligible for Senior High School ay hindi pa pwede. Kailangan munang mag-senior high school.
  • Minimum aggregate of five years work experience locally and/or abroad. Ang ibig sabihin ng aggregate ay kahit hindi tuloy-tuloy o magkakaibang kompanya basta parehong field of specialization.
  • Filipino citizen. (Kung nagpalit ng citizenship ay disqualified. Kung dual ay baka pwede.).
  • Importanteng isaalang-alang at non-negotiable: Hindi pwedeng mag-enroll sa degree na hindi konektado sa trabahong ina-apply sa ETEEAP. Hindi rin pwedeng ang gusto ninyong degree ang inyong applyan kundi yung konektado sa inyong work experience. Kung may natapos na ibang degree, o nakapag-enroll noon na hindi natapos, ngunit hindi konektado o related sa trabaho ay hindi pa rin pwedeng ito ang itutuloy na i-enroll sa ETEEAP. Magagamit lang ang ilang mga unit na natapos sa final na transcript ng aplikante kapag gagraduate na.
  • Kailangang documented ang mga work experience. (Pakisuyong ituloy ang pagbabasa para maintindihan ito.)

Balik tayo sa mga trabahong pwedeng magamit sa pag-enroll sa ETEEAP.

  • Factory worker ng limang taon o mahigit pa, lalo na kung ikaw ay naging supervisor na.
  • Security guard ng limang taon o mahigit pa, lalo na kung ikaw ay naging supervisor na.
  • Nursing aid ng limang taon o mahigit pa at na-promote na rin.
  • Nagtrabaho sa restaurant o hotel ng limang taon o mahigit pa at na-promote na rin.
  • Nagtrabaho sa technical department ng isang kompanya ng limang taon o mahigit at na-promote pa.
  • May sariling negsoyo ng limang taon o mahigit pa at naging matagumpay ito. Kailangan ang testimonya ng mga naging cliente o customer.
  • Nagturo ng limang taon o mahigit pa ngunit hindi naman teacher, at hindi rin nakatapos ng anumang degree.
  • Supervisor sa kanyang trabaho ng lima o mahigit pang taon ngunit wala pang natapos na degree sa kolehiyo.
  • Nagtrabaho sa BPO ng limang taon o higit pa ngunit hindi nakatapos ng degree.
  • Construction worker ng limang taon o mahigit pa at maraming ibat-ibang gawain ang nasubukan na niya sa maraming taon.
  • Undergraduate ng anumang degree at nagtrabaho ng limang taon o mahigit pa.
  • Isang nanay na may sariling negosyo ng mahigit limang taon at matagumpay na napangasiwaan niya ito. Kailangan lang ang testimonya ng tatlo o mahigit pang cliente, customer o supplier.
  • Freelancer na may mga customer, cliente o supplier na magpapatunay ng kanyang kakayahan at kagalingan.
  • Kung kayo ay may sariling negosyo, pwedeng magpagawa ng certificate mula sa tatlo o mahigit pang cliente o customer ninyo.
  • Mga organisasyon na sinalihan ninyo. May atas ba kayong ginampanan doon na pwedeng igawan ng certificate ng inyong mga leader?
  • Kayo ba ay aktibo sa inyong simbahan? Anong mga atas ninyo ang pwedeng magawan ng certificate?
  • May mga seminar at training ba kayong nadaluhan o napagdaanan?
  • May mga proyekto ba kayong nagawa?
  • May mga short course ba kayong natapos?
  • Kayo ba ay nagkaroon ng mga award, tropeo o medalya sa isang larangan? May certificate din ba ito o larawan na pwede ninyong isama sa inyong mga credential.

Ang mga sumusunod ay pwede rin na makatulong sa inyo sa paghahanda ng inyong mga dokumento para sa pag-aaply sa ETEEAP. Maaring ang ilan sa mga nabanggit dito ay nabasa na rin ninyo sa iba pang bahagi ng website na ito:

  • Detalyadong CV. May sample tayo dito sa link (Sample CV).
  • Certificate of Employment sa inyong kasalukuyang trabaho. May sample tayo dito sa link (Sample COE).
  • Detalyadong atas o function ninyo sa inyong trabaho. Ito ay tinatawag ding Detailed Functions and Responsibilities (DFR). May sample tayo niyan dito sa link (Sample DFR).
  • Certificate of Employment sa inyong nakaraang trabaho.
  • DFR sa inyong nakaraang trabaho.
  • Kung kayo ay may sariling negosyo, o freelancer, pwedeng magpagawa ng certificate mula sa tatlo o mahigit pang cliente o customer ninyo.
  • Mga organisasyon na sinalihan ninyo. May atas ba kayong ginampanan doon na pwedeng igawan ng certificate ng inyong mga leader?
  • Kayo ba ay aktibo sa inyong simbahan? Anong mga atas ninyo ang pwedeng magawan ng certificate?
  • May mga seminar at training ba kayong nadaluhan o napagdaanan?
  • May mga proyekto ba kayong nagawa?
  • May mga short course ba kayong natapos?
  • Kayo ba ay nagkaroon ng mga award, tropeo o medalya sa isang larangan? May certificate din ba ito o larawan na pwede ninyong isama sa inyong mga credential.

Important: Lahat ng work experiences na gamitin ninyo sa pag-apply ay kailangang may dokumento at pwedeng i-verify. Baka ang mga school na eenrollan ninyo ay may work site inspection pa, pwedeng physical visit o virtual visit.

Para sa iba pang mga katanungan ninyo tungkol sa ETEEAP, maari niyo ring tingnan ang mga link na nasa ibaba.

Ano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.
Magkano ang ETEEAP? Paki-click ito para sa kasagutan.
Paano mag-apply sa ETEEAP? Pali-click ito para sa kasagutan.

Para sa karagdagan pang katanungan, pwede kayong pumunta sa link na ito para mag-comment at masagot natin.
Please click/tap here to our comments page.

Share this page